Awtomatiko siya napamulat ng mga mata. Hinintay niya makapag-adjust ang paningin niya sa madilim niyang silid. Tanging t***k ng puso at paghinga lamang niya ang naririnig niya ng mga oras na yun. May ibang presensya siya nararamdaman sa paligid. Isang pamilyar na presensya. Nakakaligalig iyun tulad ng kung paano siya naligalig noong una magkita sila ng Sir Aquilles niya. Pero imposible na naririto sa silid niya ang lalaki. Pilit niya nilalabanan ang takot at kaba na umuusbong sa kanyang dibdib. Lumikot ang mga mata niya na hindi gumagalaw ang kanyang katawan. Pilit niya inaaninag ang buong silid niya na tanging liwanag mula sa buwan lang na tumatama sa bintana niya ang panglaw sa silid. Hinagilap ng mga mata niya ang digital clock niya na nasa may gilid lang ng hinihigaan niyang kama.

