"Ayos ka lang? Kanina ka pa malalim ang iniisip mo ah?" untag sa kanya ni Elson. "Wala naman.." agad na pag-iwas niya ng mukha rito. Mataman na tinitigan siya nito at pagkaraan bumuntong-hininga ito. "Ginugulo ka na naman ba ng pamilya mo?" maya-maya saad nito. Bigla pumasok sa isip niya ang muli pagpaparamdam ng pamilya niya. She sighed. Maganda kung iyun na lamang ang iisipin niya kaysa kung anong nangyari nang nakaraan gabi. Hindi siya makapaniwala na nangyari yun sa pagitan nila ng Sir Aquilles nila. Ang hindi niya matanggap na nakipagpalitan siya rito ng halikan. Pagkatapos siya nitong halikan ng marubdob umalis na ito na tila ba nag-Goodnigth lang sa kanya at parang walang nangyari. Tulala lang siya noon at hindi na siya nakatulog hanggang sa mag-umaga at lutang na pumasok sa

