Napaigtad siya ng biglang magvibrate ang celpon niya. Agad na tumibok ng mabilis ang puso niya. Inaasahan niyang makakatanggap siya ng text message mula sa boss nila dahil hinayaan muna siya nito sumama sa mga katrabaho niya na nagkakasayahan na. Maingay ang paligid dahil sa malakas at maharot ng tugtugin. Agad na kinuha niya ang celpon sa bulsa ng suot niyang jacket. I'm here. Maiksing mensahe mula rito. Nasa labas na ito. Kailangan na niya magpaalam sa mga kasamahan niya at alam naman ni Elson na hindi siya magtatagal dahil may gagawin siyang importante na hindi na nito inusisa pa. Agad na lumapit siya kay Elson at bumulong rito. May kalandian na itong babae pero agad na hinarap siya ng lumapit siya. "I' have to go!"malakas niyang bulong rito. Agad naman ito tumango. " Okay,ako

