"Were here," anunsiyo niya ng ihinto niya ang motor sa parking area. Agad naman bumitaw na sa kanya ang dalaga at napangiti siya. Nauna na itong bumaba saka siya naman ang bumaba. "Let's get inside," anyaya niya rito. Tahimik lang ito sumunod sa kanya. Agad na bumungad sa kanila ang mga matataas na personalidad na kumakain roon. Nakita niya ang pag-awang ng mga labi ng dalaga. "Hindi mo sinabi na dito tayo pupunta," sita nito sa kanya pagkaraan. "I want to surprise you,babe.." nakangisi niyang saad. Tinikwasan siya nito ng isang kilay. Ang sexy lang niyun tingnan ang dalaga sa tuwing magtataray ito sa kanya. He grinned. "I rent their rooftop..doon ko sasagutin ang mga katanungan mo na sobrang personal sakin," aniya ng pindutin niya ang elevator paakyat sa rooftop. "Alam mo kung

