Hindi na niya inisip pa na baka may makakita sa kanya sa biglaan pagsulpot niya sa hospital habang buhat-buhat niya si Sanastacia. Wala ibang mahalaga sa kanya kundi ang mailigtas ang buhay ng kanyang mag-ina. "Stretcher!!" sigaw ng isang nurse na lumapit sa kanya. Mabilis naman siya tinulungan ng mga nurses. "Please,Save her,nagdadalang-tao siya,"puno ng pagmamakaawa na saad niya sa mga ito. Agad na hinarang siya ng isang nurse ng ipasok sa ER ang kasintahan. Wala sa sarili na natulos lang siya sa kinatatayuan sa mismong tapat ng pintuan ng nakasaradong ER. Naririnig niya ang kalansing at pagmamadali ng mga ito sa loob. Gusto niya makita ang dalaga. Gusto niya makita na ginagamot ito ng maayos ng doktor. Pero bago niya magawa iyun may pumigil sa kanya. " Hindi siya pababayaan sa

