Halos hindi na siya makahinga sa pag-asam na iligtas ang kasintahan. Ito na ang huling isla na matatagpuan niya ang Jacob na iyun. Sakay ng Jetski kasunod ang kakambal niya mas lalo niya iyun pinabilis hanggang sa matanaw niya ang isang malaking bahay ilang metro na lang ang layo. Nang makadaong sila mabilis na narating niya ang bahay. Nakalock iyun at wala siya nararamdaman na presensya sa loob ng bahay. "Aquilles!" Agad na tinungo niya ang kinaroroonan ng kakambal niya. Basag na salamin ang bumungad sa kanya. Naningkit ang mga mata niya ng makitang may dugo sa daliri nito. Agad na nagdilim ang anyo nito. "Dugo ito ni Sanastacia.." Mabilis na nilingon nila ang posible na dinaanan ng dalaga. Ayaw niya isipin na may masamang nangyari sa dalaga pero makakapatay siya ng tao sa oras n

