Napaigtad si Sanastacia ng bumalya ng malakas ang pintuan. Niluwa niyun ang taong nagpadukot sa kanya. Agad na dinunggol siya ng kaba at takot ng matanto niya na nakainom ito at namumula din ang mga mata nito. Nalukot ang ilong niya ng maamoy niya ang amoy ng alak mula rito. Gusto niya masuka pero pinigilan niya mangyari yun. "Hi,kamusta?"nakangisi nitong turan. Namumungay ang mga mata at sa palagay niya hindi lang alak ang dahilan ng pagkalango nito. Humakbang ito palapit sa kanya kaya agad na umatras siya. Bawat hakbang nito palapit sa kanya ay siyang pag-atras naman niya. "Hey,bakit mo ako nilalayuan ha?!"singhal nito sa kanya. Tumawa ito na tila isang baliw. "Oh..don't scare,baby!" anito. Napakislot siya ng bumangga siya sa pader. Ngumisi ang lalaki at natutuwa na wala na siya

