Napahinto siya sa tapat ng closet niya para sana kumuha ng isusuot niya ng makaramdam siya ng kakaiba. Kakaiba,yung pakiramdam na may nakabantay sayo. Pinatay niya ang ilaw ng silid niya. Dinampot niya ang kanyang b***l na nasa ilalim lang ng unan niya. Saka walang ingay na lumapit siya sa bintana niya at sumilip siya roon. Agad natuon ang mga mata niya sa kulay itim na kotse na nakahinto sa tapat ng bahay niya. Iyun din ang kotse noong nakaraan gabi din. Pilit niya inaninag ang sakay niyun pero hindi niya maaninag ang loob. Sino naman kaya ang may-ari ng kotseng iyun? Siya ba ang pakay nito? Bago pa man siya nagpasya na lumabas ng silid niya para komprotahin ang sakay niyun ay saka naman umandar ang kotseng iyun. Sa susunod na makita niya muli huminto ang sasakyan na iyun sisigur

