Alisto na nagkatinginan sila ni Aquill ng makaramdam sila ng ibang presensya. Mabilis ang kilos nila na nagkubli sila mula sa likod ng malaking puno ng narra. "Dito ko naaamoy ang isa sa kambal," naulinigan niyang saad ng isang babae. Sumilip siya at nakita niya ang dalawang babae na may puting buhok na halos sumayad na sa lupa ang haba ng buhok ng mga ito. Ang mga bampira na galing sa Womanland. Hinayon niya ang pinagkukublihan ni Aquill. Mataman ito nakamasid sa dalawang babae. "Kailangan malaman ni Prinsesa Roisa na dito dinala ang isa sa kambal..kailangan mahanap ang dating nakatira sa lugar na ito," anang ng isang babaeng bampira. Naikuyom niya ang mga palad. Hinahanap sila ng sakim na prinsesa. Binalot ng poot ang kanyang dibdib. Kailangan nila maunahan ang mga ito sa paghah

