Agad na niyakap niya mula sa likuran ang dalaga. Nanigas ito pero hindi naman pumalag sa ginawa niyang iyun. "Welcome home," anas niya sa gilid ng ulo nito. "N-nauna ka pa sakin na makapasok dito sa bahay ko?" may kunting kabang saad nito. He chuckled. "Ayaw mo ba na may sumasalubong sayo pagkauwi mo mula sa nakakapagod na trabaho?"may ngisi saad niya na nanatili nakaakap sa likuran nito. " Pagod? Boring nga ang trabaho ko sa opisina..wala kang binibigay sakin na assignment?"tugon nito. Pinihit niya paharap ang dalaga at ang nakasimangot nitong mukha ang nabungaran niya. Napangisi siya sa inaakto nito. "Alam mo ba kung bakit kita tinanggap agad-agad na wala ng tanong-tanong pa?" Naningkit ang mga mata nito at humalukipkip ito sa kanya. "Gusto ko makita ka lagi sa building ko..mula

