Mabilis na hinablot ni Aquilles ang babaeng bampira na ubod na bilis na tumatakas sa kanya. Naramdaman siya nito kaya agad ito kumaripas ng pagtakas mula sa kubo na pinagtataguan nito. Agad niyang naramdaman ang presensya nito pagkahinto nila sa tapat ng kubo. Nagpapalag at sumisinghal ang babaeng bampira na hawak-hawak niya sa malabakal niyang mga kamay. Umangil ang babaeng bampira na may pulang mga mata. Shit! Totoo ngang mangyayari na may manirahan bampira dito sa mundo ng mga tao. Isinandig niya ang babaeng bampira sa malaking puno at umigik ito at hindi makawala sa pagkakasakal niya rito. Kulay itim ang buhok ng babaeng bampira. Napailing siya. Sigurado siyang nakagat lang ito at nakasurvive sa kamandag ng venom nila at naging ganap na ding bampira gaya ng babaeng bampira na na

