Napatitig siya sa baso na may tubig na inaabot sa kanya ni Aquilles. May nginig na inabot niya iyun at nangikig siya ng maramdaman niya ang malayelo nitong balat. Napangalahati niya iyun. Natigilan siya ng umupo sa gilid niya ang lalaki na isang dipa ang distansya sa kanya. "Alam kong natatakot ka sakin at ayaw ko na iyun ang nararamdaman mo palagi sa tuwing magkasama tayo," anito. Napasulyap siya rito. Seryoso ba talaga ito sa kanya? "Hindi ako basta sumusuko na lang kapag gusto ko, gusto ko ginagawa ko ang lahat para makuha yun at ang makuha ang tiwala mo at atensyon mo ay tagumpay sakin yun..isang malaking kasiyahan sakin," sinseridad nitong saad. Ipinatong niya ang baso sa sidetable niya. "Seryoso ka ba talaga sakin?"muli niya baling rito. "Ikaw lang ang nakakuha ng atensyon ko

