Agad siya natigilan ng makita si Aquilles na prenteng nakaupo sa pabilog na mesa niya kung saan doon din ang maliit niyang kusina. "Don't tell me sa bintana ka ulit dumaan?" sita niya rito pero nagpatuloy siya sa tahakin ang kusina niya. Ramdam na ramdam niya ang mainit nitong pagtitig sa kanya. Init o malamig? "Sa pintuan na ko dumaan,"tugon nito na kinalingon niya rito. Agad na napadako ang tingin niya sa pintuan niya. "Marupok na ang padlock ng pintuan mo," anito na muli niya kinabaling rito. Nilapag nito ang padlock sa ibabaw ng mesa niya. "Nakadouble lock ka nga madali naman masira," matiim nitong saad. Mahihimigan na hindi nito nagustuhan iyun. Napabuntong-hininga siya. "Kaya ko naman siguro iligtas ang sarili ko..I know how to figth,Sir Aquilles.." saad niya. Lalo tumiim an

