KINAUMAGAHAN, June 1st, nagising si Allyson na may kakaibang linaw ng isip. Ang tatlong linggo ng pagluluksa sa Tokyo—ang pagbisita sa mga lugar, ang pag-iyak, ang dahan-dahang pagtanggap—ay nagbigay sa kaniya ng isang bagay na hindi niya inaasahan. Kapayapaan. Hindi man buo, pero sapat na para harapin ang mga susunod na mangyayari. Naupo siya sa kama, nakatingin sa urn ni Mamita na nasa ibabaw ng dresser. "Good morning, Mamita," bati niya, isang routine na naging comforting para sa kaniya. "I think it's time. Time to go home." Tumayo siya, naghanda ng kape, at naupo sa balcony. Ang umaga sa Tokyo ay crisp, clear. Napakaganda. Inilabas niya ang kaniyang phone. Dialed Von. Tatlong ring. "Ally! Good morning. Or good evening sa akin," bati ni Von. Siguro ay bandang alas-nuwebe n

