HABANG LUMULUBOG ANG ARAW, nagsimula nang magsiuwian ang mga tao para maghanda sa marangyang sayawan. Ang Town Ball ang pinakatampok na bahagi ng Pista ng Masaganang Ani—isang pormal na okasyon kung saan inaasahang dadalo ang lahat ng tanyag na pamilya. "Señorita, uuwi na raw po tayo para mag-ayos," sabi ni Manang Mirna na dumating para sunduin siya. "Sige, Manang. Let's go," sagot ni Allyson, habang sumusulyap nang huli sa gawi ni Dark. Ang binata ay nakatingin na rin sa kaniya, ang mga mata ay puno ng emosyong hindi niya mabasa—pagkadismaya? Sakit? Pangungulila? Hindi na niya alam. Sa bahay, nag-ayos si Allyson nang buong ingat. Pumili siya ng navy blue mermaid dress na hapit na hapit sa kaniyang katawan, na nagpapakita ng kaniyang ganda habang nananatiling elegante. Ang buhok ay nak

