Tatlong buwan. Siyamnapung araw ng purong trabaho, zero personal life, at pag-iwas sa anumang bagay na magpapaalala sa kanya sa San Vicente. Sa aspeto ng karera, Allyson was at her peak. Pero sa likod ng mga matatagumpay na deals at malamig na awra, she was barely holding it together. Para siyang isang magandang porselana na punung-puno na ng lamat, isang pitik na lang ay mawawasak na. Isang hapon ng Huwebes, habang seryoso siyang nagre-review ng mga kontrata, nabulabog ang katahimikan ng kanyang opisina. Her phone buzzed. Isang text message mula kay Manang Mirna. Ang unang instinct niya? I-delete ito. Ayaw na niyang makarinig ng balita. Ayaw na niyang masaktan. Pero ang kuryosidad—ang malupit at mapilit na kuryosidad na iyon—ang nanaig. Binuksan niya ang mensahe. "Señorita Allyson

