Halos hindi nakatulog si Allyson nang gabing iyon. Matapos ang kaniyang breakdown sa harap ng kabaong ni Dark, kailangang pisikal siyang tulungan ni Von para makaalis sa Aragon hacienda. Dinala siya nito sa ancestral house ng mga Morgan, kung saan inihanda na ni Manang Mirna ang dati niyang kwarto. "Señorita, kumain na po kayo kahit kaunti," pakiusap ni Manang Mirna, bitbit ang isang tray ng lugaw at tsaa bandang hatinggabi. "Hindi ko kaya, Manang," sagot ni Allyson, nakaupo sa kama at nakatitig sa wala. "Sige na po, Señorita. Para magkaroon kayo ng lakas. Bukas pa po ang libing. Kailangan niyo po ng lakas ng katawan." Reluctantly, pinilit ni Allyson na lumunok ng ilang kutsara. Walang lasa. Pakiramdam niya ay karton ang lahat ng kinakain niya. "Manang, totoo ba?" tanong niya big

