Jade's POV
Nagising ako kinaumagahan na masakit ang bawat kalamnan sa aking katawan. Ang sinag ng araw na tumatagos sa bintana ay tila nanunukso sa puyat kong mga mata.
Sinubukan kong bumangon, pero isang pamilyar na bango ang naramdaman ko sa aking tabi. Hindi pala ako nag-iisa.
Nakasandal si Sir Seth sa headboard ng kama ko, bihis na sa kanyang corporate attire pero gusot pa ang kanyang kurbata.
Hawak niya ang isang tasa ng kape habang matiyagang nagbabasa ng kung ano sa kanyang tablet. Nang marinig niya ang paggalaw ko, ibinaba niya ito at tumingin sa akin nang may tipid na ngiti—isang tingin na malayo sa istriktong boss na nakilala ko sa opisina.
"You're finally awake," mahina niyang sabi, ang boses ay paos pa mula sa puyat.
"Omg! Bakit ka andito? Baka makita ka ni Sera," sambit niya.
"Don't worry, kinuha siya ng aking mommy. Sinabi kong day off mo ngayon," sagot naman niya sa akin.
"Mabuti naman at pumayag si Sera. Hindi ba siya pumunta dito sa room ko?" saad ko sa kanya habang tinatakpan ko ang aking bunganga.
"Pupunta sana, kaso sinabi ko na masama ang pakiramdam mo," sambit niya.
"Maliligo na ako at magbibihis," saad ko habang bumababa mula sa aking kama.
Pero nang akmang tatayo na ako, biglang sumakit ang aking p********e.
"Ahh..." napa-iyak ako sa sakit.
Nag-aalala naman si Sir Seth.
"Are you okay, love?" tanong niya habang hawak pa rin ang aking kamay.
Inirapan ko siya, kahit amo ko siya, dahil hindi niya ako tinigilan hanggang madaling araw—kaya siguro ganito kasakit ang aking nararamdaman.
"I'm sorry. Ang sarap mo kasi," saad niya—sinisi pa nga ako ng gago.
"Malibog ka lang talaga," saad ko. Napangiti naman siya kaya pinalo ko siya sa kanyang braso.
"Samahan na kita sa banyo."
"N-no need, Sir. Pumasok ka na. Okey lang ako, aalis na rin ako pagkatapos kong magbihis," sambit ko sa kanya.
"Okey, love. See you after three days. Or baka gusto mong mag-extend, okey lang," sabi niya sa akin.
"Tatawagan na lang kita pag mag-e-extend ako," sagot ko naman.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, napatingin ako sa salamin. May bahid pa ng pagod sa aking mga mata, pero kailangan ko nang umalis. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.
Kailangan kong umaktong okey sa harap ni Mama Rose; baka magtaka siya kung bakit ako ika-ikang maglakad ngayon.
Pagbaba ko, dumiretso ako sa kusina.
"Ohh, andito ka pa pala?" sambit ni Mama Rose.
"Tinanghali na ako ng gising. Masama kasi ang pakiramdam ko," saad ko. Totoo namang masama talaga ang pakiramdam ko.
Hinawakan ni Mama ang aking noo.
"Medyo mainit ka nga. Magpahinga ka muna pagdating sa bahay. Tawagan ko si Papa mo para ipaghanda ka ng makakain," sambit niya.
"Ito, Mama. Ibili mo ng grocery mamaya pag-uwi, baka kasi tuluyan akong hindi makapamili," inabot ko sa kanya ang kalahati ng ibinigay ni Sir Seth.
"Itong batang to talaga... sige na, tatanggapin ko ito," sambit niya sa akin.
Humalik na ako sa kanya at lumabas ng bahay.
Pagdating ko sa labas, may nakaparadang kotse. Nagtaka ako kung bakit andito ang kotse ni Sir Seth.
Maglalakad na sana ako palabas ng Villa para sa labas na lang maghintay ng taxi, pero bigla siyang bumusina.
"Ayy! Malaking t**i!" napasigaw ako sa gulat.
Bumaba ang salamin. Nakita kong naka-eyeglasses si Sir Seth.
"Hop in. Ihahatid na kita sa inyo," sambit niya.
Hindi na ako nagpakipot. Masama ang pakiramdam ko, at medyo malayo pa naman ang labasan mula rito.
Pagsakay ko, hinalikan pa niya ako sa labi. Napalinga pa ako, baka bukas ang bintana—pero sarado naman pala.
"Wag ka ngang bigla-biglang humalik. Baka may makakita sa atin," saad ko sa kanya sabay irap.
"Ikaw naman, love. Masyado kang matatakutin. So kung may makakita, single naman tayo pareho," saad pa ng amo kong walang ginawa kundi himasin ang aking hita.
"Wag kang mag-alala, mag-iingat ako sa susunod," sambit niya.
"May lagnat ka ba?" tanong niya sa akin.
"Siguro, kasi masama talaga ang pakiramdam ko," saad ko.
"Magpahinga ka na lang pag-uwi mo, okey? Tawagan mo na lang ako pag may kailangan ka," pahayag niya.
"Salamat po," sagot ko.
Binigay ko na rin ang address ko kung saan niya ako ihahatid. Sinabihan ko siyang sa labasan na lang, baka kasi may makakita pa sa amin. Tumango naman siya.
Nang makarating kami sa labasan ng aming lugar, nagpaalam na ako.
Hinalikan ko na rin siya para hindi magtampo. Napangiti pa nga ang gago kong amo.
Napa-iling na lang ako. Sinabihan pa niya akong official girlfriend niya na raw ako. Tumango na lang ako—wala rin namang saysay kung tutol ako, dahil nakuha na niya ang aking virginity.
Kung ang tanong ay kung pinagsisisihan ko ito—hindi. Kasi, sa totoo lang, gusto ko na rin siya.
Inabutan pa nga niya ako ng pills. Sabi niya, araw-araw ko raw itong inumin kung ayaw ko pang mabuntis.
Tumango naman ako. Itatago ko iyon, baka makita ni Mama—mapatay pa ako.
Pagkababa ko ng kotse, dumiretso ako sa waiting shed malapit sa tapat ng sari-sari store para maghintay ng tricycle. Ilang saglit lang ay dumating na ang tricycle at sumakay na ako.
Habang nasa biyahe, nakasandal lang ako sa likod. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong katawan ko at medjo nahihilo narin ako.
Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ng aking pamangkin.
"Tata! Andito ka na... I miss you!" sabay yakap sa akin.
"I miss you too, baby," sagot ko habang hinahalikan ang napakatambok niyang pisngi. Ang taba kasi niya, at magtu-three years old pa lang. Minsan, bulol pa kung magsalita.
"Bukas na tayo mamasyal ha? Masama ang pakiramdam ni Tita," saad ko sa kanya.
"May lagnat ka po, Tata?" inosenteng tanong niya sa akin. Tinanguan ko na lang siya.
Maya-maya, lumabas si Papa.
"Ohh, anak, andito ka na? Kumain ka na muna. Tumawag si Mama mo, masama raw ang pakiramdam mo. Kain ka muna, saka magpahinga ka na," saad ni Papa.
Nagmano naman ako sa kanya at kumain muna bago matulog.
Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa kwarto. Pagdating ko roon, agad akong nahiga. Nilalamig ako, kaya nakatulog agad.
Ang haba ng tulog ko. Kung hindi pa ako ginising ni Mama, hindi talaga ako magigising.
"Diyos ko, kanina ka pa raw ginigising ni Papa mo para kumain at makainom ng gamot," sambit ni Mama. Napamulat ako.
"Anong oras na po ba, Mama?" tanong ko sa kanya.
"Mag 7:30 na ng gabi. Tayo ka muna at kumain, para makainom ka ng gamot," sambit niya.
Tumayo naman ako at kumain. Kumakalam na rin ang aking sikmura.
"Kanina pa may tawag nang tawag sa’yo," dagdag ni Mama habang inaabot ang gamot.
"Sige po, tingnan ko," sagot ko sa kanya.
"Oh siya, pahinga ka na," sambit ni Mama.
Pagkatapos kong uminom ng gamot. Hinila ko ang kumot at humiga ulit.
Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung sino ang tumatawag.
Five missed calls. Lahat galing kay Sir Seth.
Binuksan ko ang inbox—may tatlong messages.
Seth: Love, kumusta ka na?
Seth: Sorry kung nasobrahan ka kagabi. Di ko sinasadya, promise.
Seth: Text mo ako pag okay ka na. Miss na agad kita.
Napailing ako. Gusto ko sanang mainis, pero sa totoo lang... natuwa pa rin ako.
Tinext ko siya:
Me: Ok na ako. Nakainom na ng gamot. Thanks.
Ilang segundo lang, nag-reply agad siya.
Seth: Good. Ingat ka lagi..
Napangiti ako. Ang kulit talaga ng amo kong 'to.
Maya-maya pa, nag-ring ang phone ko dahil natagalan akong mag-reply.
Seth: Hello, love.
Me: Hello...
Seth: Gusto mo, dalhin kita sa hospital?
Me: Huwag na. Baka makita kapa nila Papa at Mama.
Seth: Mas maganda nga 'yon, para malaman na rin nila.
Me: 'Di ba sabi ko sa'yo, huwag muna ngayon?
Seth: Ok, fine. Sige na, love. Pahinga ka na. Tatawag ulit ako bukas, okay?
Me: Ok, sige. Goodnight...
Seth: Ok, love. Goodnight.
Pagkababa ko ng tawag, kinilig ako. First time ko itong maramdaman. Alam kong malaki ang agwat ng edad namin, pero wala akong magagawa kung sa kanya ako tinamaan.
Hindi ko lang sigurado kung ano talaga itong nararamdaman ko—basta ang alam ko, masaya ako ngayon.
Mabait naman si Sir Seth. Sa ngayon, itatago ko muna ang lahat hanggang sa handa na akong sabihin kay Mama ang totoo.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang tuluyan na akong nakatulog.