Chapter-01
Seth's POV
I was happily married to my long-time girlfriend. Sa edad na 23, nagpakasal kami agad matapos naming makapagtapos ng medisina. Pareho kaming plastic surgeons, at sabay naming tinahak ang bawat yugto ng aming pangarap—mula sa internship hanggang sa huling araw ng graduation.
Hindi na kami nag-aksaya ng panahon. Right after we graduated, we got married. Pareho kaming nagmula sa mga pamilyang may kaya, kaya sa tulong ng aming mga magulang, nakapagpatayo kami ng sarili naming clinic.
Hindi naging madali ang lahat—araw at gabi kaming nagtrabaho, halos walang pahinga. Ngunit unti-unti, nakilala ang aming pangalan.
Sa paglipas ng panahon, naging isa kami sa pinaka-kilala at hinahangaang plastic surgeons sa Pilipinas. Ang maliit na klinika ay lumago, at ang pangarap na minsan lang naming pinag-uusapan sa gabi ay naging realidad.
After two years of working hard together, our sacrifices finally paid off. Ngunit may kapalit ang lahat. Dahil mas inuna namin ang aming career kaysa sa pagkakaroon ng anak, nahirapan magbuntis si Krista.
Apat na taon ang lumipas—apat na taong puno ng dasal, pag-asa, at tahimik na luha—bago kami tuluyang biniyayaan ng isang himala.
Krista was finally pregnant.
Pero kasabay ng pinakamagandang balita sa buhay namin ang pinakamadilim na pagsubok. Nalaman naming may colon cancer si Krista, at natuklasan ito habang dinadala niya ang aming anak.
Bigla kaming hinarap ng isang desisyong hindi kailanman dapat pagpilian ng magulang o mag-asawa.
Pinapili kami ng mga doktor...
itutuloy ba ang pagbubuntis at ipagpaliban ang chemotherapy, o ititigil ang pregnancy para mailigtas ang buhay ni Krista?
Hindi na ako ang pumili.
Si Krista ang nagdesisyon.
Pinili niyang ituloy ang pagbubuntis. Pinili niya ang aming anak—kahit alam niyang maaaring iyon ang maging kapalit ng kanyang sariling buhay.
Sa araw na isinilang ang aming anak, kasabay ng kanyang unang iyak ang pagkawala ng aking asawa.
Krista died the moment our baby took her first breath.
Halos hindi rin mabuhay ang aming anak. Napakahina ng kanyang immune system dahil sa kondisyon ni Krista habang siya’y ipinagbubuntis. Ilang araw kaming naghintay sa ICU, hawak ang munting kamay ng sanggol, hindi sigurado kung makakauwi pa kami na dalawa.
But God was merciful.
Nabuhay ang aming anak.
Pinangalanan ko siyang Seraphine—dahil para sa akin, siya ang anghel na iniwan ni Krista sa mundo. Ngunit kahit nabuhay si Seraphine, may bahagi sa akin na namatay kasama ng aking asawa.
Ang sakit ng pagkawala ay sobra—kaya pinili kong ilayo ang sarili ko sa lahat. I isolated myself from friends, from family, from the world.
Ang tanging dahilan kung bakit ako bumabangon araw-araw ay ang aking anak at ang klinikang sabay naming itinayo ni Krista.
For three years, iyon lang ang mundo ko—trabaho at si Seraphine.
Hanggang sa dumating ang araw na nagbago ang lahat.
After three years, nagpaalam ang yaya ni Seraphine. Mag-aasawa na raw siya at kailangan nang umuwi sa probinsya. Naiintindihan ko, pero ramdam ko ang bigat—dahil siya ang naging pangalawang ina ng anak ko.
Kaya kinausap ko ang aming matagal nang cook na si Rose.
“Rose,” sabi ko, pilit pinipigilan ang pagod sa boses ko,
“tulungan mo akong humanap ng bagong yaya para kay Sera.”
“Actually, sir,” maingat na sambit ni Rose habang nakatayo sa tapat ng mesa ko,
“may adopted daughter po ako. Katatapos lang niyang mag–high school.
Hindi pa po siya nagka-college dahil wala pa kaming sapat na ipon, kaya siguro… puwede siya rito. Mahilig po talaga siya sa bata.”
Napatingin ako kay Rose. Hindi ko agad sinagot.
“How old is she?” tanong ko, diretso ngunit kalmado ang tono.
“She just turned eighteen, sir. Noong isang araw lang,” sagot niya.
Napansin siguro niya ang bahagyang pag-aalinlangan ko. Bata pa. Masyadong bata, lalo na para sa responsibilidad na dala ng pag-aalaga kay Seraphine. Tumahimik ako saglit, tila tinimbang ang desisyon.
Agad siyang nagsalita muli, halatang ayaw akong magduda pa.
“Don’t worry po, sir,” dagdag niya, halos nagmamadali,
“magaling po magbantay si Jade. Noong nag-aaral pa siya, iyon na po talaga ang part-time niya.
Marami na po siyang nabantayang bata, at mahal na mahal niya ang mga iyon—parang sarili niyang kapatid.”
Hindi ko maiwasang mapaisip.
Si Seraphine ay hindi basta-bastang bata. Mahina pa rin ang kanyang katawan, madaling magkasakit, at kailangan ng taong may pasensya—hindi lang sa oras, kundi sa puso.
Tumayo ako mula sa upuan at tumingin sa bintana, kung saan tanaw ko ang hardin. Naroon si Seraphine, tahimik na naglalaro mag-isa, hawak ang paborito niyang stuffed toy.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.
“Okay,” sabi ko sa wakas, binaling ang tingin kay Rose.
“Sige. Dalhin mo siya bukas. Gusto ko muna siyang makilala.”
Bahagyang lumiwanag ang mukha ni Rose, halatang gumaan ang loob.
“Opo, sir. Salamat po,” sagot niya, bahagyang yumuko bago umalis.
Naiwan akong mag-isa sa silid—may kakaibang pakiramdam sa dibdib ko. Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko, pero sa puntong iyon, handa akong sumugal.
Lumabas ako sa hardin para puntahan si Sera. Nakaupo siya sa maliit na upuan malapit sa puno ng mangga, hawak ang kanyang paboritong stuffed toy. Pagkakita pa lang niya sa akin, agad siyang tumayo at tumakbo palapit.
“Daddy!” sigaw niya bago ako yakapin.
“Is it true? Yaya Julie will be going soon?” tanong niya, may bahid ng lungkot sa kanyang boses.
Lumuhod ako sa harap niya at hinaplos ang kanyang buhok.
“Yes, baby,” marahan kong sagot.
“She’s getting married.”
Bahagyang yumuko ang ulo niya, parang pilit inuunawa ang ibig sabihin noon. Agad ko siyang kinarga at pinaupo sa aking kandungan.
“But don’t worry,” dagdag ko, pilit pinatatatag ang boses ko,
“You’ll have a new yaya coming tomorrow.”
“Okay, Daddy,” mahinang sambit niya habang mahigpit na niyakap ang aking mga braso gamit ang kanyang maliliit na kamay.
Ramdam ko ang bigat ng kanyang yakap—parang takot siyang maiwan, parang natatakot sa pagbabago.
Hinaplos ko ang kanyang likod, tahimik na ipinangakong hindi ko siya pababayaan.
Maya-maya, lumapit si Julie, nakatayo sa may gilid ng hardin. Kita sa mukha niya ang pag-aalala.
“Sir,” mahina niyang tanong,
“may kapalit na po ba ako?”
Tumango ako.
“Oo,” sagot ko.
“Turuan mo muna siya ng lahat—routine ni Sera, gamot niya, mga bawal at mga gusto niya. Pagkatapos noon, puwede ka na.”
Bahagyang napangiti si Julie, halatang gumaan ang loob.
“Sige po, sir,” masaya niyang tugon.
“Tuturu-an ko po siya nang maayos. Salamat po, sir.”
Tumango ako bilang sagot.
Habang pinagmamasdan ko si Sera na muling naglalaro, hindi ko maiwasang mag-isip. Marami na namang magbabago sa buhay namin. Sa murang edad niya, napakarami na niyang naranasan.
Kilala ni Seraphine ang kanyang Mommy sa pamamagitan lang ng mga larawan. Paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na ang Mommy niya ay nasa heaven na. Hindi na siya nagtatanong pa.
Hindi ko alam kung lubos ba niyang naiintindihan—tatlong taong gulang pa lang siya—pero ramdam ko na may ideya na siya. Minsan, sa katahimikan ng gabi, tinitingnan niya ang mga larawan ni Krista.
At sa mga sandaling iyon, durog ang puso ko.
Ang tanging hinihiling ko lang ay sana ang susunod na yaya ay alagaan siya na parang sariling anak.
Hindi ko pa man kilala si Jade.
Hindi ko pa alam kung paano siya makikitungo kay Sera.
Hindi ko alam kung magiging sapat ba ang kanyang pasensya, o kung kakayanin niya ang responsibilidad na kasama ang isang batang may marupok na kalusugan at maselang damdamin.
Pero magtitiwala ako.
Alam kong mahihirapan mag adjust si Sera sa panibagong Yaya—pareho kaming mahihirapan. Ngunit hindi ko siya pababayaan. At kung sakaling hindi ito mag-work, ako mismo ang mag-aalaga sa anak ko.
Kung kinakailangan kong huminto sa pagiging plastic surgeon—kung kailangan kong isantabi ang klinikang pinaghirapan naming itayo ni Krista—gagawin ko para sa anak namin.
Dahil sa huli, kahit anong titulo pa ang taglay ko, kahit gaano pa kalaki ang pangalan ko sa mundo ng medisina,
isa lang ang pinakamahalaga sa akin—ang maging ama kay Seraphine, sa paraang hindi kailanman nagawa ng tadhana para kay Krista.
At sa katahimikan ng hardin, habang tumatakbo si Sera papunta sa akin na may ngiting kayang tunawin ang lahat ng sakit, alam kong tama ang desisyong ito.
Handa akong magsimulang muli.
Para sa kanya.