Chapter-02

1516 Words
Seth's POV  Kinabukasan, maaga akong nagising. Medyo late akong papasok ngayon dahil sabi ni Rose, ngayon niya dadalhin ang anak niya. Tutal, minsan na lang din naman akong pumunta sa clinic. Kadalasan ay supervision na lang ang ginagawa ko. Marami na akong magagaling na doktor, at marami na rin kaming branches sa buong Pilipinas. Sa ngayon, tinutulungan ako ng aking best friend sa pamamahala ng clinic habang mas binibigyan ko ng oras si Sera. Pagbaba ko, naroon na si Sera, kumakain ng almusal. “Mowning, Daddy,” sambit niya habang ngumunguya, may ngiti sa labi. Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo. “Julie,” tanong ko, “dumating na ba ang papalit sa’yo?” “Opo, sir,” sagot niya. “Nasa kusina po. Tinutulungan niya si Manang Rose.” “Kakain lang ako,” sabi ko, “tapos papuntahin mo sila sa office ko—siya at si Manang Rose.” Matapos kumain, kinuha ko si Sera at isinama ko siya sa private office ko. Umupo siya sa aking kandungan, tahimik ngunit halatang curious. “You will see your new yaya, baby,” sabi ko sa kanya. “Yeally?” bulol niyang sagot, lumiwanag ang mga mata. Tumango ako at hinaplos ang kanyang buhok. Ilang sandali pa, may kumatok sa pinto. “Come in,” sagot ko. Pumasok si Manang Rose, kasama ang isang dalagang matangkad at napakaganda. Hindi ko maiwasang mapatingin—may presensya siya. Simple lang ang suot, ngunit maayos, malinis, at may natural na kumpiyansa. Maamo ang kanyang mukha, mahaba ang pilikmata, at medyo blond ang buhok. Sa unang tingin pa lang, halatang hindi siya Filipino. Naalala ko ang kuwento noon ni Yaya—may adopted daughter daw siya—ngunit hindi niya kailanman ikinuwento ang mga detalye. Hindi ko inaasahan ang biglang kabog sa dibdib ko—hindi dahil sa pagnanasa, kundi dahil sa isang pakiramdam na matagal ko nang hindi nararamdaman. Pagkatapos mamatay ni Krista, isinara ko ang bahaging iyon ng buhay ko. Hindi na ako tumingin, hindi na ako naghanap ng iba. Ngumiti siya nang magtagpo ang aming mga mata—she have white teeth, may dalawang munting dimples na lalong nagpaamo sa kanyang itsura. Bumaba si Sera mula sa kandungan ko at lumapit agad sa kanya. “Heyoo… you’re my new yaya?” tanong niya, diretso at inosente. “Yes, baby,” malambing na tugon ng dalaga, yumuko nang kaunti para pantayan ang taas ni Sera. “You are so pletty,” dagdag pa ni Sera. “What your name?” “My name is Jade,” sagot niya, may ngiting puno ng pasensya. Ngumiti si Sera nang malaki. “I like you, Yaya Jade,” sabi niya. Tapos, walang pasintabi, idinagdag niya, “But I want you to be my Mommy. I want a pretty Mommy, like you.” Parang sumikit ang aking dibdib sa sinabi ni Sera. Agad kong nilapitan si Sera at kinarga ulit. “Baby,” mahinahon kong sabi, “Daddy needs to talk to Yaya first, okay?” Tumango siya, kahit halatang bitin pa ang gusto niyang sabihin. Habang pinagmamasdan ko si Jade—ang kanyang maingat na kilos, ang paraan ng pagtingin niya kay Sera—hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang kapayapaan akong naramdaman. “Have a seat, Manang Rose… and?” tanong ko, kahit alam ko na naman ang pangalan niya. “Jade po,” malamyos niyang tugon. Inabot niya ang kanyang kamay at kinamayan ko siya. Malambot ang kanyang palad at makinis ang kutis—isang simpleng detalye, ngunit may kakaiba akong naramdaman. Agad din naming binitiwan ang isa’t isa, pareho kaming maingat. Umupo na silang dalawa sa harap ng mesa. “Yaya,” paliwanag ko, diretso ngunit mahinahon, “as you know, stay-in ang position. Matutulog ka sa kwartong katabing room ni Sera, at may mga pagkakataong sa loob mismo ng kwarto ni Sera ka matutulog.” “Opo, sir,” sagot ni Manang Rose. “Naipaliwanag ko na po iyon kay Jade, at pumayag po siya.” Tumango ako at binaling ang tingin kay Jade. “Okay. As for the salary,” pagpapatuloy ko, “₱15,000 pesos monthly and starting, with SSS and PhilHealth. Libre ang pagkain at basic personal necessities. Kapag nag-travel kami ni Sera, may allowance ka rin.” Tumango siya, tahimik na nakikinig. “In addition,” dagdag ko, iniabot ang papel, “Please sign this contract. You’re free to leave anytime, kung sakaling magbago ang isip mo.” Kinuha niya ang papel at sandaling tiningnan bago nagsalita. “Okay po, sir,” sabi niya. “May tanong lang po sana ako.” “Go ahead,” sagot ko. “Kung sakaling,” maingat niyang simula, “mag-aaral po ba ako ng college kapag mas malaki na si Sera at nagsimula na po siyang pumasok sa school… puwede po ba iyon?” Napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon—at mas lalong hindi ko inaasahan ang intensyon niya. Ibig sabihin, plano niyang magtagal. Hindi lang ito pansamantalang trabaho para sa kanya. Bahagya akong napangiti. “Y-yes,” sagot ko, medyo nagulat man sa sarili kong desisyon. “I’ll see to it. Kapag gusto mong mag-aral, puwede kitang gawing scholar.” Nagliwanag ang kanyang mukha. “Okay po, sir. Thank you po,” sagot niya, sabay lingon kay Manang Rose at ngumiti—isang ngiting puno ng pasasalamat at pag-asa. “Okay,” sabi ko, tumayo mula sa upuan. “You can start today. Tuturuan ka muna ni Julie ng lahat ng routines—gamot ni Sera, schedule, at mga kailangan mong tandaan.” Hindi pa man ako tapos magsalita, agad lumapit si Sera kay Jade. “I will come with you, Yaya! Let’s play!” masayang sambit niya, halos tumatalon sa tuwa. “Come, baby,” malambing na sagot ni Jade, sabay karga kay Sera na para bang sanay na sanay na siya. Habang palabas sila ng office, karga ni Jade si Sera—hindi ko maiwasang sundan sila ng tingin. Tahimik lang akong nakatayo, may kung anong gumagalaw sa dibdib ko. Hindi ko pa alam kung anong uri ng tao si Jade. Hindi ko pa alam kung hanggang saan siya sa buhay namin. Pero sa simpleng paraan ng pagyakap niya kay Sera—maingat, natural, walang pilit—may bahagi sa akin ang bahagyang kumalma. Nang makaalis na sila, naiwan ako sa office kasama si Manang Rose. Umupo ako sa harap niya, seryoso ang ekspresyon. “Tell me, Manang… Jade is not a Filipino, right?” tanong ko, diretso. “Opo, sir,” sagot niya agad. Tumahimik siya sandali, tila nag-ipon ng lakas ng loob bago magsalita. “Anak po siya ng amo ko noong nagtrabaho ako sa Turkey.” “Her father’s family… was massacred by his own uncle. Lahat po sila pinatay—si Jade lang ang natira.” Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako agad nakapagsalita. “Natatakot po ang pamilya ng nanay niya,” patuloy ni Manang Rose, nanginginig ang boses. “Kaya po ipinagkatiwala siya sa akin at pinadala dito sa Pilipinas. Limang taong gulang pa lang po siya noon.” Huminga siya nang malalim. “Naawa po ako sa bata. Napakabait ng mga magulang niya, sir. Hindi ko kayang iwanan si Jade.” Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Ikinuwento pa ni Manang Rose na masakitin noon si Jade. Halos lahat ng perang ibinigay ng pamilya ng kanyang ina ay naubos sa pagpapagamot. Paulit-ulit siyang naospital noong bata pa siya. “Noong pumasok po ako sa inyo, sampung taong gulang si Jade,” dagdag niya. Hindi ko namalayan… walong na pala si manang dito sa amin. Napaupo ako nang mas maayos. Tinanong ko pa siya kung may balita ba siya tungkol sa pamilya ni Jade, ngunit sinabi niyang wala. Ayon sa kanya, hindi niya umano maaaring tawagan ang pamilya nito dahil may banta rin sa buhay ni Jade. Kaya raw niya pinalitan ang pangalan ni Jade upang hindi ito ma-trace ng pamilya ng kanyang ama. Dagdag pa ni Manag Rose, mayaman ang ama ni Jade, subalit napunta na ang lahat ng ari-arian sa kanyang kapatid. Ayaw rin umano ng pamilya ng nanay ni Jade na malaman na buhay pa siya, kaya hindi ito lumapit o humingi ng tulong sa kanila. kaya hindi sila lumapit, hindi humingi ng tulong. Tahimik ang silid. Bigla kong naunawaan kung bakit may lungkot sa mga mata ni Jade, kahit na siya’y nakangiti. Hindi pala simpleng karanasan ang pinagdaanan niya sa buhay. Napag-alaman ko rin na pinatay ang pamilya ng kanyang ama sa bahay ng mga magulang nito. Hindi sila nadamay sa m*****r dahil, sa mismong araw na iyon, nasa panig sila ng pamilya ng ina ni Jade. Isa siyang bata na nakaligtas sa isang bangungot, at lumaking tahimik, nagtatago, habang ang mundo ay umuusad na parang walang nangyari. “Salamat, Manang,” sabi ko sa wakas. “Salamat sa pagtitiwala.” Tumango siya, halatang nabawasan ang bigat sa dibdib. Nang mag-isa na lang ako sa office, napatingin ako sa labas ng harden kong saan naglalaro si Jade at Hera kasama si Julie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD