Chapter-03

1653 Words
Jade's POV When I was 5 years old, my parents were murdered by my uncle the brother of my father, so my grandparents on my mother's side decided to send me here to the Philippines dahil may banta parin sa buhay ko. Lumaki ako sa aking Nanny Rose. I can't even remember the faces of my parents dahil maaga akong nahiwalay sa kanila. I am full-blooded Turkish, pinanganak ako sa Turkey pero lumaki ako sa Pilipinas. My Nanny Rose fully adopted me, ang pangalan ko noon ay Yesim Ozkan, pero pinalitan ito pagdating ko sa Pilipinas para hindi umano ako ma-trace ng aking uncle. Kaya Jade Noir ang ginagamit kong pangalan ngayon. Sa mga nakaraang taon, naging maayos naman ang takbo ng buhay namin ni Mama Rose. Pero noong nagkasakit at na operahan si Papa Alberto ang asawa ni Mama, nagamit ang perang nakalaan sana para sa kolehiyo ko. Which is okay for me dahil malaki ang naitulong ng pamilya ni Mama Rose sa akin. Mabait silang mag-asawa. I have two adopted siblings who treat me as their true sister. Lalaki silang pareho, kaya parang baby nila ako kahit hanggang ngayon. Unfortunately, noong naka-graduate ako ng high school, ubos na ang perang ibinigay ng aking grandparents para sa pag-aaral ko. Kaya sa darating na pasukan, hindi ako kayang pag-aralin ni Mama. Hihinto muna ako sa pag-aaral sa kolehiyo. Sinabihan ko si Mama na maghahanap muna ako ng trabaho para makapag-ipon. I am 5'8"—sabi nga nila, pang-modelo ang height ko, pati na rin ang katawan ko. Although I have a good figure, mahiyain ako. Marami ang nanligaw sa akin, pero ayoko munang magpaligaw dahil gusto ko munang makapagtapos ng pag-aaral. I don’t have any plans to go back to Turkey kasi ayon sa sulat ng aking grandparents, my life is still in danger dahil ako na lang ang nag-iisang tagapagmana ng kayamanan ng aking ama, na ngayon ay hawak ng kapatid niya. But I don't plan to get it back kung buhay ko naman ang kapalit. I love the Philippines and the family who adopted me. Dalawa sa mga kapatid ko ay may sarili nang pamilya. Si Kuya Mark lang ang kasama namin dito sa bahay ni Mama at Papa. May isa silang anak, at kahit si Kuya Marcos ay may dalawang anak. Lagi ko silang hinihiram at binabantayan kapag wala akong ginagawa. Dahil mahilig ako sa mga bata. Nakikipaglaro ako at nagtuturo. Minsan, kahit mga anak ng kapitbahay, hinihiram ko para turuan. Kaya lahat ng kapitbahay namin dito ay mahal ako dahil sa hilig ko sa mga bata. Habang nakikipaglaro ako sa mga pamangkin ko sa aking silid, hindi ko napansin na umuwi na pala si Mama. Stay-out siya sa trabaho dahil cook lang naman siya sa bahay ng isang mayamang doktor. Lumabas ako at sinalubong si Mama, sabay mano. “Kumusta po, Ma?” sambit ko sa kanya. “Okay lang. By the way, anak, gusto mo bang magtrabaho?” pahayag ni Mama. “Opo, saan po?” tanong ko sa kanya. “Sa bahay ng amo ko. Magiging nanny ka sa anak ng amo ko kasi aalis na ang dati nilang nanny at walang magbabantay sa bata.” Ang pagkakaalam ko, byudo ang amo ni Mama. Namatay ang kanyang asawa dahil sa cancer habang buntis pa ito sa kanilang anak. Matagal nang naninilbihan si Mama sa kanila. “Sige po, Ma. Kailan po ako magsisimula?” tanong ko sa kanya. “Bukas. Sasama ka sa akin para makausap ka ng amo. Mabait ang anak niya, sigurado akong magugustuhan ka nun,” pahayag niya. “Okay po, Ma,” sagot ko. Kinabukasan, maaga kaming umalis ni Mama papunta sa bahay ng amo niya. Malaki at elegante ang bahay nila—may garden sa harap, at isang malaking gate na awtomatikong bumubukas kapag may sasakyan. Pagpasok namin sa loob, dumiretso kami sa kusina dahil magluluto raw si Mama bago magising ang kanyang amo, kaya tinulungan ko siya. Pagkatapos magluto, inihain na ni Mama ang pagkain sa mesa dahil nasa dining area na raw ang amo niya. May dalawa pang kasamahan si Mama rito—isang driver, si Ate Tess, at si Ate Mabel. Mababait rin sila. “Ang ganda naman ng anak mo, Manang Rose. Hindi kaya magkagusto si Sir sa kanya?” sambit ni Ate Tess. Alam kong biro lang iyon, pero uminit ang aking mukha. “Wag kayong magbiro ng ganyan, baka marinig kayo ni Sir,” sambit naman ni Mama. Pagkatapos kumain, tinawag kami ng yaya ng anak ng amo ni Mama—si Ate Julie. Pumasok kami sa isang kwarto, at pagpasok pa lang namin, namangha ako. Isa pala itong private office at library. Ang daming libro! Napa-twinkle pa ang mga mata ko dahil mahilig talaga akong magbasa. Nandoon ang amo ni Mama. Napakagwapo niya, at napakacute naman ng batang babantayan ko. Natuwa pa ako nang nagpakilala siya, dahil tinawag niya akong pretty. Ngayon pa lang, alam kong mamahalin ko ang batang ito at aalagaan ng buong puso. Napaliwanag na rin sa akin ng magiging amo ko ang tungkol sa sahod. Hindi rin ako nahiya na itanong kung maaari ba akong mag-aral, at natuwa ako sa sagot niya—pwede raw, at baka maging scholar niya pa ako. Malaki ang sahod, kaya siguradong makakapag-ipon ako. Ang ibang bahagi ng sahod ko ay ibibigay ko kina Mama bilang pasasalamat. Minsan, napapatitig ako sa magiging amo ko. Parang may kumakabog sa dibdib ko kapag nandoon siya. Ang sabi ni Mama, 30 years old lang daw si Sir Seth, kaya pala bata pa siyang tingnan. Pero tuwing napapatingin siya sa akin, parang may lungkot sa kanyang mga mata. Ayon kay Mama, apat na taong gulang na si Seraphine, pero sabi ni Sir, “Sera” na lang ang itawag ko sa kanya. Pagkatapos namin mag-usap, pinapirma niya ako ng kontrata. Ang sabi niya, pwede akong umalis anytime kung sakaling hindi ko magustuhan ang trabaho. Pero wala akong balak umalis—lalo na’t kung papa-aralin niya ako. Dito muna ako hangga’t makatapos ako ng pag-aaral. Pinalabas niya kami saglit dahil gusto niyang makausap si Mama nang pribado. Habang naghihintay kaming matapos sina Mama at Sir Seth, lumabas muna kami at pumunta sa hardin para makapaglaro si Sera. Ayon kay Ate Julie, mahilig maglaro si Sera, pero hindi siya pwedeng mapagod. Mahina raw ang kanyang immune system kaya kailangang bantayan siya nang mabuti. Mahilig siyang mag-drawing at minsan ay mahilig din siya sa mga kwento. “Ate Pretty, I will not call you Yaya kasi hindi bagay sa’yo. You look like a princess. I will call you Ate Pretty,” sambit pa niya habang nakaupo sa aking kandungan. “Maybe your dad will get angry if you call me that,” sagot ko sa kanya. “Nah-uh. Daddy never scolds me. Don’t worry, Ate Pretty,” sabi niya, sabay yakap. “I like your hair. It’s so shiny and blonde. Are you Filipino, Ate?” tanong niya ulit. Para siyang matanda kung magsalita. Ang ganda rin niya—mahaba ang pilikmata, at makinis ang kutis. “Filipino by heart, but Turkish by blood, baby,” paliwanag ko sa kanya. “Wow! That’s why you have beautiful eyes. It’s like gray and bluish,” sabi niya habang nakapatong pa sa akin at tinitingnan ang aking mga mata. “My daddy is also not pure Filipino. He said his father is half British. That’s why I have bluish eyes too, Ate—same as you!” Natutuwa ako kay Sera. Napakataklesa niya pero sobrang cute at maganda. Maya-maya, tinawag na ako ni Ate Julie para pumasok. Oras na raw para turuan ako sa mga dapat kong gawin. Pagpasok namin, dinala ako ni Ate Julie sa nursery room kung saan madalas mag-stay si Sera. Maaliwalas ang silid—may pastel-colored walls, mga educational toys, at isang maliit na reading corner na puno ng fairy tale books. “Dito siya madalas naglalaro,” paliwanag ni Ate Julie habang ipinapakita ang bawat sulok. “Sa umaga, may routine siya—breakfast, playtime, drawing, then short reading before lunch. After lunch, kailangan niyang mag-nap kahit isang oras. Strict 'yan sa routine si Sir.” Tumango ako at inobserbahan ang lahat. Kumpleto ang gamit, pero may isang parte sa kwarto na tila hindi masyadong ginagamit—isang maliit na keyboard sa tabi ng bintana. Napatingin ako kay Sera, na ngayon ay nagsusulat ng pangalan niya gamit ang krayola. Napansin niyang nakatingin ako kaya ngumiti siya. “Ate Pretty, do you know how to play piano?” “Konti lang, baby. Pero gusto kong matutunan.” “Let’s play later, okay?” aniya, sabay kindat. Itinuro sa akin ni Ate Julie ang lahat ng kailangang malaman—mula sa daily routine ni Sera hanggang sa mga gamot at vitamins na kailangan niyang inumin. Sinabihan niya rin ako na sa kabilang kwarto ako matutulog, pero madalas daw ay kailangan kong samahan si Sera sa kwarto niya—dahil gusto raw ng bata na may kasama tuwing gabi. Kapag hindi ako ang katabi niya, ang Daddy naman niya ang nandun, at sa mga pagkakataong iyon, doon ako sa sarili kong kwarto matutulog. Ipinakita rin sa akin ni Ate Julie na connected pala ang kwarto ko sa kwarto ni Sera—sinadya raw itong idisenyo nang ganoon para madali ko siyang marating kung sakaling umiyak siya sa gabi. “Simula bukas, ako na lang ang mag-aasikaso sa kanya?” sabi ko. “Oo, hindi mo na ako makakasama simula bukas,” sagot ni Ate Julie. “Kailangan mong masanay, para pag-alis ko, kaya mo na lahat. After tomorrow pa naman ako aalis, kaya kung may gusto kang itanong, itanong mo na habang andito pa ako.” Tumango lang ako, tahimik. Sa isipan ko, alam kong hindi magiging madali ang lahat. Pero handa akong matuto, handa akong mag-alaga—hindi lang kay Sera, kundi pati na rin sa sarili kong mga pangarap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD