Chapter-04

1612 Words
Jade's POV Naging maayos ang unang mga araw ko sa pag-aalaga kay Sera. Madalas ay hindi ko nakikita si Sir Seth. Kadalasan, pag dumarating siya sa gabi, tulog na kaming dalawa ni Sera. Noong umalis si Ate Julie, akala ko iiyak si Sera, pero hindi. Parang bale-wala lang sa kanya ang pagpapaalam ni Ate Julie. Ayon kay Nanay, dalawang taon niyang inalagaan si Sera. At si Sera naman ay mag-aapat na taong gulang pa lang. Naging close naman agad sa akin si Sera. Tinuturuan ko siyang magbasa at magsulat, kaya tuwang-tuwa siya sa bawat learning time namin. Sa gabi, kapag oras na ng tulog, gusto niyang magkatabi kami sa kama. Sabi pa ni Nanay, hindi raw niya ginagawa iyon kay Ate Julie noon. Pero wala rin akong magawa—kapag sinusubukan kong lumipat at matulog sa sahig, bumababa siya at nahihiga sa tabi ko. Isang araw, sinabihan ako ni Sir Seth na dapat matutong matulog si Sera nang mag-isa para masanay. Pero nang marinig ito ni Sera, nagtampo siya sa kanyang ama. Sa huli, hinayaan na lang ni Sir Seth ang gusto ng anak. As for Sir Seth—ganoon pa rin ang epekto niya sa akin. Every time na magkasalubong kami o napapatingin siya sa akin, may kakaiba akong nararamdaman. Isang gabi, habang inaayos ko ang comforter ni Sera, bigla siyang nagtanong. “Ate Pretty, do you think my daddy is lonely?” Napatingin ako sa kanya. Mahina lang ang boses niya, parang may iniisip na malalim. “Bakit mo naman naitanong 'yan, baby?” tanong ko habang hinahaplos ang buhok niya. “Because he always looks sad when he thinks no one is watching.” Hindi ko alam agad ang isasagot. Totoo nga—kahit bihira kaming mag-usap ni Sir Seth, mapapansin mo sa mga mata niya ang lungkot. Hindi galit. Hindi pagod. Kundi ‘yung klaseng lungkot na tahimik pero malalim. “Maybe he just misses your mommy,” sagot ko sa huli. Tumango si Sera at niyakap ako. “I miss her too. But I’m happy when you’re here, Ate Pretty.” Napangiti ako kahit may kurot sa puso. Iba talaga ang dulot ng batang ito sa akin. At sa bawat araw na lumilipas, unti-unti ko na ring nakikita ang sarili ko—hindi lang bilang tagapag-alaga, kundi bilang bahagi ng maliit pero mahalagang pamilyang ito. Paglabas ko ng kwarto ni Sera, nadaanan ko si Sir Seth sa hallway. Mukhang kagagaling lang niya sa trabaho—may hawak pang laptop bag, at medyo disheveled ang kanyang buhok. Nagkatinginan kami saglit. “Thank you... for being patient with Sera,” mahina niyang sabi. “Of course, Sir,” sagot ko, sabay iwas ng tingin. Pero habang papalayo siya, hindi ko mapigilan ang t***k ng puso ko. Pilit ko pa ring ini-ignore ang nararamdaman ko dahil ayokong ma-attach sa amo ko. Every time na napapatingin si Sir Seth sa akin kapag dumadalaw siya sa kwarto ni Sera, kinakabahan ako. Noong isang araw, habang naglalaro kami ni Sera ng bahay-bahayan, hindi ko namalayan na nasa pinto na pala si Sir Seth at pinapanood kami. Kaya nang mapansin ko siya, sobra akong nahiya—lalo na’t ang eksena pa naman noon, ako si “Mommy” ni Sera, at sinusuklayan ko ang buhok niya habang nagkukuwentuhan kami. Nahuli ko pa siyang napangiti habang nakatingin sa amin—kaya lalo akong kinabahan. “Don’t stop,” mahina ngunit may halong amusement na sabi ni Sir Seth habang nakatayo pa rin sa pintuan. Nagulat ako, at halos mabitawan ko ang suklay na hawak ko. Si Sera naman, hindi man lang nagulat—sanay na siguro sa biglaang pagdating ng ama niya. “Hi, Daddy!” bati ni Sera habang ngumiti. “Look! Ate Pretty is brushing my hair. She’s the mommy now.” Lumapit si Sir Seth at naupo sa gilid ng kama. “Mukhang nag-eenjoy ka ah. Napakaganda ng mommy mo ngayon, ha,” biro niya kay Sera, pero ramdam kong may ibang ibig sabihin ang tingin niya. Hindi ako makatingin nang diretso. Para akong batang nahuli sa kalokohan. “Uhm, pasensya na po, Sir. Naglalaro lang kami—si Sera po kasi ang may gusto...” paliwanag ko, pilit ikinukubli ang hiya sa boses ko. Ngumiti siya. “You don’t need to apologize. Actually, it’s nice... seeing her this happy again.” Napatingin ako sa kanya. Sa sandaling iyon, hindi siya mukhang boss o ama—mukha siyang isang lalaking nakahinga ng kaunti mula sa bigat ng araw-araw. “Thank you, Jade,” bulong niya, halos hindi marinig. Bago pa ako makasagot, tumayo na siya at muling lumingon kay Sera. “I’ll be in my study. Just call me if you need anything.” Pagkaalis niya, napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit tila mas mabilis ang t***k ng puso ko ngayon. “Your cheeks are red, Ate Pretty,” sabi ni Sera habang tumatawa. “Do you like my daddy?” “Ha? Sera!” sagot ko, kunwaring naiinis, pero hindi ko maitago ang ngiti. “It's okay. He likes you too. I can tell,” bulong niya, sabay kindat. Hindi ko alam kung saan siya natutong magsalita ng ganoon, pero isang bagay ang sigurado ko, may gusto ako sa amo ko. Makalipas ang dalawang buwan, hindi ko namalayang ganoon kabilis lumipas ang araw na magkasama kami ni Sera. Noong unang natanggap ko ang sahod ko, balak kong ibigay ang kalahati kay Nanay. Pero hindi niya ito tinanggap. Sa halip, sinabihan niya akong ipunin na lang iyon para sa aking pag-aaral. Sa nakalipas na dalawang buwan, hindi ako nag-day off dahil ayaw ni Sera na malayo ako sa kanya. Pero ngayong araw, magpapaalam na akong mag-off dahil miss na miss ko na sila Papa at ang mga pamangkin ko. Ipapasyal ko sila bukas sa mall. Ito ang una kong pangako sa kanila—na sa unang sahod ko, ililibre ko silang tatlo. Kahit palagi kaming nagkakausap sa video call, iba pa rin ang pakiramdam kapag magkasama kami sa personal. Habang binibihisan ko si Sera—dahil sabi ni Sir Seth, pupunta raw kami sa mall—kinausap ko siya nang mahinahon. “Sera, is it okay if I take a day off tomorrow? I just miss my nieces,” malumanay kong paalam sa kanya. “What about me?” tanong niya agad, habang nakakunot ang noo. “I’ll be coming back after two days. And for sure, I’ll be missing you too,” sagot ko habang hinahaplos ang kanyang buhok. “Okay, fine. But after two days, come back, okay?” sagot niya, sabay yakap sa akin. Haaay, laking pasasalamat ko at pumayag siya. Kasi noong nakaraan, nang magpaalam akong mag-day off, umiyak siya nang husto kaya hindi ko siya maiwan. Noong isang araw, sinabihan naman ako ni Sir Seth na mag-day off ako ng two to three days dahil hindi raw ako nagpahinga noong nakaraang buwan. Pero sa paalam ko kay Sera, dalawang araw lang ang sinabi ko—baka kasi hindi siya pumayag kung malaman niyang tatlong araw akong mawawala. Balak ko ring mag-grocery bukas para sa bahay, pagkatapos ay ipapasyal ko ang aking mga pamangkin. Pagkatapos makapagbihis ni Sera, bumaba na kami dahil naghihintay na si Sir Seth. Ako naman ay nakasuot ng dress na binili niya para sa akin.Oo, binilhan niya ako ng mga damit—kasi sabi niya, madalas daw kaming umaalis, at mas maganda raw kung presentable ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magsuot ng mamahaling damit, eh yaya lang naman ako. Ayos naman ang mga damit ko. Pero hinayaan ko na lang. Sabi nga ni Nanay, mas okay na tanggapin ko na lang ang mga binibigay niya, lalo na kung para rin naman sa trabaho. Pagbaba namin ni Sera, nakatitig pa sa akin si Sir Seth. “Let’s go, Daddy. Stop staring at my Ate Pretty, Dad,” sambit pa ni Sera, kaya napangiti na lang ako, sabay iwas ng tingin. Habang nasa sasakyan kami papunta sa mall, tahimik lang ako sa likod habang yakap-yakap ako ni Sera. Si Sir Seth naman ay seryosong nagmamaneho, pero paminsan-minsan ay sumusulyap sa rearview mirror. Hindi ko alam kung napapansin ko lang o talagang madalas ang tingin niya. Pagdating namin sa mall, hawak-hawak ni Sera ang kamay ko habang nakasunod kami kay Sir Seth. Parang hindi siya mapakali—gusto niyang pumunta sa toy store, sa bookstore, at sa playground. Nakahanda na ako para sa kakulitan ni Sera, alam kong pag ganito siya malakas ang energy niya. Habang nasa bookstore kami, iniwan kami saglit ni Sir Seth para bumili raw ng coffee. Habang naglalakad kami sa children’s book section, bigla akong hinila ni Sera papunta sa isang shelf. “Ate Pretty, can we buy this?” tanong niya, hawak ang isang fairy tale book na may gold edges. Tiningnan ko ang presyo. Medyo mahal para sa pambatang libro. “Maybe we can ask your daddy first,” sabi ko. “Hmm. Daddy always says yes when you ask,” sabi niya sabay ngiti. Napatawa ako. “Talaga lang ha.” Pagbalik ni Sir Seth, may dala na siyang dalawang coffee at isang hot chocolate para kay Sera. “Sir, Sera wants this,” sabi ko habang pinapakita ang libro. “Then let’s get it,” sagot niya agad. “And get one book that you like, alam kong mahilig kang magbasa.” Nagulat ako. “Sir, okay na po ako. I’m just here to assist.” He looked at me with that unreadable expression of his. “You’re not just anything, Jade.” Nanahimik ako. Sa dami ng pwedeng sagutin, ganon pa talaga. Kaya kumakabog tulog ng malakas ang aking dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD