Habang nasa hapag kainan ay hindi makuhang mag angat ng tingin ni Lexie kay Ram. Kung bakit? Iyon ang hindi niya alam. Basta’t matapos nitong linisin ang sugat niya kanina at hinila pa labas para mag dinner ay tinablan na siya ng matinding hiya. “You okay? Kumain ka.” Kunot-noong tanong sa kanya ni Ram sabay itinuro ang iba’t ibang putaheng naka hain sa mesa. Isang tipid na pag iling lamang naman ang isinagot dito ni Lexie habang hindi pa rin makuhang tapunan ng tingin ang lalaki. “There is something wrong, kid. Just tell me whatever it is that’s bothering you.” Ram ordered. “W-wala, ‘wag mo akong intindihin, tsaka p-pwede bang tigilan mo muna ang pag tawag sa akin ng ‘kid’? I find it a bit cringe-y…” Lexie said almost a whisper. “Oh? Not the first time that I called you that an

