Hindi mapigil ni Lexie ang mangunot ang noo nang sa hindi mabilang na pagkakataon ay malipat nanaman ang tingin kay Ram. Kasalukuyan kasi itong naka upo sa kanyang kama habang siya ay sinusuklay ang kanyang mahaba at itim na buhok. Kanina pa siya sa tapat ng malaking salamin at kanina pa ring naka titig sa kanya ang kanyang asawa, hindi niya tuloy maiwasan ang ma-conscious lalo pa at naka ngisi pa ito ng nakakaloko. “Hey, napapano ka ba?” Sa wakas ay hindi naka tiis na tanong ni Lexie, kunot na kunot rin ang kanyang noong tinapunan ng tingin si Ram, sandali pa siyang napa irap nang lumaki pang lalo ang ngiti nito saka sunod-sunod na umiling. “Please stop staring at me, I know you are handsome but you staring at me like that still creeps me out, isa pa nakakahiya, feeling ko nilalait m

