Sa townhouse na pagaari ng pamilya niya sa Cavite nagpa hatid si Lexie, nang makarating doon ay agad niya ring inutusang bumalik na sa maynila si manong Roberto kasama ang pakiusap na huwag na huwag sasabihin kay Ram kung nasaan siya, wala namang nagawa ang driver kundi ang sumunod kahit pa halatang ayaw naman siya nitong iwan doon. Malakas na napabuntog hininga si Lexie saka kumatok sa malaking pintong gawa sa kahoy, ilang sandali pa ay bumukas rin naman agad iyon at bumungad sa kanya ang gulat na gulat na si manang Fe, ang dati niyang yaya, na ngayon ay siya nang naging caretaker ng bahay na iniwan ng kanyang parents noong mag punta ang mga ito sa London. Gulat na makita siya, at lalong gulat na makita siyang buntis. Hindi niya naman ito masisi, ilang taon na rin noong huli niya itong

