“Let go of what was and hold on to what will be.”
“Come on, Amanda. Pick up your phone.”
Bulong sa sarili ni Lexie habang naka ilang ulit na yatang tinawagan sa cell phone ang kanyang pinsan.
“Aba, mukhang busy ang bruha.”
Napa irap na lamang sa kawalan si Lexie nang sa ikalawang beses ay wala pa ring Amanda na sumagot sa kanyang tawag.
Balak niya kasi sanang puntahan ang pinsan sa bahay nito, mang hihingi siya ng tulong kay Amanda sa pag hahanda ng isang munting sorpresa para kay Rafael, ang kanyang fiancé.
“Hayyy… di bale, pupuntahan ko na lang.”
Muli niya pang kausap sa sarili saka naka ngiting binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan bago excited na nag maneho patungo sa bahay ng pinsan.
--
“Cous?”
Malakas ang boses na tawag niya sa pinsan nang maka pasok sa bahay nito, agad pang nangunot ang kanyang noo nang sa halip na ang pinsan ang bumaba para salubungin siya ay ang nag aalalang mukha ng katulong pa nito ang bumungad sa kanya.
“Where’s Amanda, manang?”
Excited na tanong niya habang hinuhubad ang suot niyang lab coat.
“M-mukang galing ka pa sa eskwela iha. Halika at igagawa kita ng masarap na meryenda.”
Pilit ang ngiting sabi ng matanda.
“Hindi na po, si Amanda nasaan?”
“W-wala ho siya dito eh, may pinuntahan.”
Agad na nangunot ang noo ni Lexie dahil sa sagot na iyon ng katulong, nakapag tataka pa na habang nag sasalita ito ay pabalik balik ang tingin nito sa itaas.
Naiiling na lamang at hindi na nag salita pa si Lexie sa halip ay nag tuloy sa pag lalakad pa akyat sa hagdan ng kabahayan patungo sa silid ng pinsan.
Hindi niya na rin pinansin ang nag aalalang tawag sa kanya ng matanda na alam niyang pipigilan lamang naman siya sa pag akyat.
“Amanda?”
Ulit niyang tawag sa pinsan, agad na nangunot ang noo ni Lexie nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki sa loo ng silid ni Amanda.
“What the hell? Is that Rafael?”
Bulong niya sa sarili, nakuha niya pang idikit sa pinto ang tenga para mas malinaw na marinig ang nagaganap sa loob.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang agad na marinig ang sunod sunod na ungol ng isang lalaki at babae, hindi na siya naka tiis pa at walang sabing binuksan ang pinto ng silid ng pinsan.
Na sana pala ay hindi nya na lamang ginawa, agad na natutop ni Lexie ang sariling bibig at napa tanga na lamang habang pilit na tinitingnan ang dalawang taong kapwa walang saplot sa ibabaw ng kama.
“You stupid motherf#c#ers!”
Halos pa bulong ang tinig na sa sabi niya ngunit sapat lamang para parehong mapa talon sa kama ang pinsang si Amanda at ang kanyang fiancé na si Rafael.
“B-babe?” – “L-Lexie?”
Sabay at kapwa na hintakutang tawag ng mga ito sa kanyang pangalan kasabay ng nag mamadaling kilos ni Rafael para mag bihis, si Amanda naman ay nag madaling hinila ang kumot para takpan ang kahubaran nito.
“Hayup, ang ba-baboy niyo!”
Tiim bagang niyang sabi habang pigil na pigil ang mga luha.
“Cous, we can explain.”
Nag aalalang sabi ni Amanda.
“I have got a lot to say to the both of you, but I don’t know where to start. I hate you right now Amanda, so much that I can’t even fathom you calling me ‘cous’.”
Tiim bagang na sabi niya saka binigyan ng matalim na tingin ang naka bihis nang si Rafael at ngayon ay palapit na sa kanya.
“Don’t even think about going anywhere near me Rafael, God forbid, gusto kong I dissect ka ng walang anesthesia.”
“Babe please, let me explain?”
Pakiusap nito saka tuloy pa ring nag lakad palapit sa kanya.
Pigil ang luhang mabilis na umatras si Lexie saka walang sabing nag tatakbo palabas ng silid na iyon.
“Lexie wait!”
Rinig niyang sabay na sigaw ng pinsan at ng hudas niyang fiancé bago pa man siya maka baba ng hagdan.
“Stop following me! I don’t wanna hear your lies, sapat na ang nakita ko!”
Mariin niyang pigil sa dalawa saka mas lalo pang binilisan ang pag takbo, walang lingon likod na tinungo niya ang kanyang sasakyan at mabilis iyong pinaandar.
--
“Lexie, I know you are in there, please open the door. Mag usap tayo.”
“Get lost!”
Ganti niyang sigaw kay Amanda na kanina pang katok ng katok sa pinto ng kanyang condo unit.
“I am not leaving hanga’t hindi mo ako kinakausap!”
“Eh ‘di mabulok ka riyan!”
Galit niyang sigaw saka pabagsak na naupo sa sofa.
“Lex? Babe please talk to us.”
Agad siyang napa angat ng tingin nang sunod na marinig ang boses ng manlolokong si Rafael.
The nerve?
And they had the audacity to come to her house together after what they did?
Galit na dinampot ni Lexie ang isang mababasaging vase na naka patong sa lamesang malapit sa kinauupuan niya saka walang habas iyong ibinato sa pinto.
Gumawa iyon ng malakas na ingay kasabay ng pagkapirapiraso niyon sa sahig.
“Please, we know that you are mad, but let us explain.”
Muli niya pang narinig ang pakiusap ni Rafael kasabay ng sunod sunod na mga hikbi ni Amanda.
“I am sorry, what we did was wrong. Hindi ko akalaing sa ganitong paraan mo pa malalaman ang ginagawa namin behind your back, but please…”
Umiiyak na pakiusap pa ni Amanda. Mabilis na napatayo si Lexie at agad na binuksan ang pinto, hindi para papasukin ang dalawang taong labis niyang kinasusuklaman ngayon kundi para hingin ang sagot sa tanong na kanina pang gumugulo sa kanyang isipan.
“Since when?”
Agad niyang tanong nang mabuksan ang pinto at bago pa man mag salita ang isa man kina Amanda o Rafael.
“Kailan niyo pa ako niloloko?”
Puno ng hinanakit na tanong niya sa dalawa na nakuha pang mag tinginan bago siya sagutin.
“M-mag i-isang taon na, I am so sorry Lexie.”
Basa ng luha ang pisnging pag amin ni Amanda.
Isang taon….
Mariing napa pikit si Lexie saka hindi na pinigil ang luhang kanina niya pa pinipigilan.
“W-why?”
Iyon na lamang ang tangi niyang nasabi.
Mag i-isang taon na pala siyang niloloko ng dalawang taong labis niyang pinagkatiwalaan, sobra-sobra ba ang tiwalang ibinigay niya sa mga ito at hindi niya man lang nakita o nahalata na may iba na palang namamagitan sa kanyang pinsan at sa anim na taon niya nang karelasyong si Rafael?
“I- I am p-pregnant Lex, I am so sorry…”
Halos pa bulong na sabi ni Amanda, tila gumuho naman ang mundo ni Lexie dahil sa narinig.
Agad siyang napahawak sa doorknob para doon kumuha ng lakas nang manginig ang kanyang mga tuhod kasabay ng pang hihina ng kanyang kalamnan.
“I can’t believe this. What the hell did I ever do to you? Lalo na sa iyo Rafael, anong kasalanan ko sa inyong dalawa?”
Malakas niyang sigaw.
“W-wala… wala kang kasalanan, we jus-“
“Just what Rafael? Just that you were horny and you knew that I can’t satisfy your needs just yet so you ran to her?”
Umiiyak niyang sumbat kay Rafael saka galit na itinuro si Amanda.
Sabay pang natahimik ang dalawa na siya namang dahilan ng pag init ng ulo ni Lexie.
“I am going to make your lives a living hell!”
Sigaw niya saka pabagsak na isinara ang pinto.