CHAPTER 1

2287 Words
Walang tigil sa pag iyak si Lexie habang hawak ang isang shot glass, alam niyang pinag titinginan siya sa bar na iyon ngunit wala siyang pakealam. “Pshhh, what do they know about me? People kept staring and it’s pissing the crap out of me. Ngayon lang ba naka kita ng isang babaeng miserable ang mga tao rito?” Umiiyak pa rin ngunit bakas ang inis sa boses na sabi ni Lexie sa sarili, napalakas yata ang boses niya at naagaw niya ang atensyon ng bartender na naroon. “What?” Lexie snapped at him. “A-ayos lang ho ba kayo, ma’am?” Nag aalalang tanong ng bartender dahilan para mapa irap si Lexie. “Mukha ba akong okay? My stupid fiancé got my stupid cousin pregnant, they are going to get married so no, I am not okay. Okay na? Can you leave me alone now?” Masungit niyang sabi saka inisang lagok ang hawak na shot ng scotch. Mariin pa siyang napa pikit nang muli nanamang gumuhit sa kanyang lalamunan ang pait at anghang ng matapang na alak na iniinom. Sandali pa siyang napa isip kung naka ilang shot na nga ba siya ngunit sa huli ay hindi na lamang iyon pinansin sa halip ay tinawag pa ang pakealamerong bartender kanina para mang hingi pa ng isa. “Rafael is getting married. My stupid, stupid fiancé is going to marry someone else…” Wala sa sariling sabi niya saka napa hagalpak ng tawa, mayamaya pa ay napalitan ng pag hikbi na unti-unting nauwi sa malakas na hagulhol. The pain she felt on her chest is growing bigger and bigger day by day and Lexie hates herself how miserable she is right now. Pitong taon silang naging mag nobyo ni Rafael, dalawang taon ang lumipas mula noong yayain siya nitong mag pakasal at iginugol niya ang dalawang taong iyon sa pag hahanda, ngunit sandali lamang siyang nalingat ay nasalisihan na siya agad. Ayos lamang sana kung ibang tao, kung hindi niya kilala ngunit nito lamang nakaraang lingo nang madatnan niyang nag tatalik ang dalawa sa kama mismo ni Amanda, idagdag pang nalaman niyang buntis ang mahal niyang pinsang si Amanda at halos gumuho ang kanyang mundo sa isiping ang kanyang fiancé na si Rafael ang ama ng dinadala ng kanyang pinsan, hindi pa natapos ang pag papasakit sa kanya at talagang itinodo pa nang walang pakundangang i-announce ng kanyang pinsan kanina lamang na ikakasal na ito at ni Rafael. “Isang taon…” Bulong niya sa sarili saka pilit na pinigil ang luhang kanina pang nag babagsakan mula sa kanyang mga mata. “Isang taon na nila akong niloloko pero hindi ko man lang nahalata… Gosh, I am so stupid…” “Gantihan mo sila.” Biglang napa angat ng tingin si Lexie kasabay ng sunod sunod nanaman na pag tulo ng kanyang luha nang mag salita ang bartender. “Para namang ganoon kadali iyon diba?” Sagot niya saka pilit na inirapan ito. “Madali lang po iyon ma’am, isipin mo ang bagay na alam mong magkakaroon ng malaking epekto sa kanya, sa ex mo.” Naka ngiting sabi pa ng bartender. “Come on, you are just saying those things to make me feel better right?” She said as she again wiped the tears off her beautiful face. “Kanina ka pa kasi umiiyak eh.” “Oh tapos tingin mo, magiging okay ako kapag sinabi mong gumanti ako?” Naka simangot niyang sabi, napa ngiti naman ang bartender saka tumango. “Come on, you just gave me a stupid idea, why the hell am I even talking to you?” Masungit niyang sabi, saka siya natigilan at sandaling nag isip. “Pero alam mo, tama ka. Kung gumanti ba ako at ibalik ko ang sakit sa kanya, magiging okay ba ako?” Wala sa sarili niyang tanong. “Posible po, ‘di ba, kapag nasasaktan tayo noong mga bata pa tayo, gumagaan ang pakiramdam natin kapag nagagantihan natin ang umaway sa atin?” Naka ngiti pang sabi nito dahilan para mapa isip nanaman siya. Sa huli ay agad din siyang napa simangot. “Wala kang sense kausap alam mo ba? Bumalik ka na nga sa trabaho mo at pabayaan mo akong maging miserable.” Masungit na utos niya sa bartender na nakuha pa siyang ngitian ng pagka tamis, bago siya nito talikuran ay nag lapag pa ito ng dalawa pang shot ng scotch sa tapat niya. “Dahil broken hearted ka, libre po ito.” Naka ngiting sabi ng bartender saka siya walang sabing iniwan. Pasado alas onse na yata at naroon pa rin sa bar na iyon si Lexie, alam niyang marami na siyang nainom dahil bukod sa nahihilo na siya ay umiikot na rin ang kanyang paningin. “Hey, you are here.” “Yeah, what’s up?” “I am glad to see you here, Ram Jordan.” Agad na napa angat ng tingin si Lexie nang marinig ang pangalang iyon. ‘Ram Jordan…’ Masyado na bang marami ang nainom niya at pati apelido ng hudas niyang ex fiancé ay naririnig niya na? Sa pag angat ng tingin ni Lexie ay bumungad sa kanya ang isang gwapo at makisig na lalaki. Sa itsura nito ay mukhang mayaman, maganda ang pananamit maging ang tindig. Sa tansa niya rin ay hindi malayo sa trenta pataas ang edad nito, ganon pa man ay nangingibabaw pa rin ang gwapong itsura nito, kayumanging balat, matangkad, malaki ang katawan na tila ba hindi na kailangan pang mag dalawang isip na kaya nitong buhatin kahit tatlo pang kagaya niya ng sabay-sabay. Matalim kung tumingin ang mga mata ng lalaki ngunit hindi naman nakakatakot, sa halip ay bumagay pa nga sa kakisigan nito ang mga mata nito, may matangos na ilong, idagdag pa ang tila parisukat na panga. ‘Shocks ang gwapo….’ Bulong niya sa sarili. Agad siyang nag iwas ng tingin nang malipat ang mga mata nito sa kanya. ‘What the hell, I am still weeping over my traitor ex, yet I am now eyeing a hunk.’ Kastigo niya sa sarili. “So, anong ginagawa ng isang Ram Jordan sa bar ko?” Muling naagaw ang pansin si Lexie nang mag salita ang bartender na kausap niya kanina lamang. Ram Jordan… Ibig sabihin ay hindi nga namali ang dinig niya sa pangalan nito? Talagang mag kapareho ito ng apelido at ni Rafael? “Holy cow, hindi kaya?” Agad na nanlaki ang mga mata ni Lexie nang sumagi sa isipang posibleng may koneksyon ang gwapong lalaking ito at ang hudas niyang ex. Wala sa sariling napa titig na lamang dito si Lexie at pa sekretong inaral ang itsura nito. “No way, Imposible…” Bulong niya nanaman sa sarili, hindi naman iyon naka lampas sa pandinig ng lalaki, mabilis siyang nag iwas ng tingin nang muli nanaman siyang tingnan ng lalaking tinawag na Ram Jordan ng bartender. “May I help you?” Kunot noong tanong sa kanya ng lalaki, mabilis pa siyang napailing bilang sagot. “You were staring at me, kanina pa so I figured you have something to tell me.” May kasungitang sabi nito. “I- I just thought you looked f-familiar…” Pag sisinungaling niya sa lalaki saka muling nag iwas ng tingin. “Imposible talaga… Baka magkapareho lang sila ng last name.” Muli niya pang bulong sa sarili habang hindi pansin na naka titig nanaman siya sa lalaking Ram ang pangalan. “If you have something to say, just say it. You staring at me like that is creeping me out.” He snapped at her. Feeling embarrassed, Lexie just rolled her eyes at him. “Can I buy you a drink?” Mabilis at hindi pinag isipan niyang tanong dito, dahilan para ito naman ang mapa irap. “I am rich, I can buy my own drink.” Masungit na sabi nito. “Hah! Ang yabang, oh eh di ikaw na mayaman.” Naka simangot niyang sabi. “Why the hell are you staring at me?” “Masama bang tignan ka?” “Yes because staring is rude.” “No you are the one that’s rude.” Ganti niyang sagot dito habang hindi pansin na napapalakas na ang kanyang boses. Sandali pa siyang napa isip, sa ugali pa lang ng lalaking ito ay malayong malayo na kay Rafael, manloloko lang ang isang iyon pero hindi naman masungit at bastos ang hudas niyang ex. “You are nothing like him…” Wala nanaman sa sariling sabi niya dahilan para mangunot ang noo ng lalaki. “What the hell are you talking about?” “Look, I didn’t mean to stare at you, I told you, you look familiar so I thought you were someone I know.” Paliwanag niya na sa halip na tangapin na lamang ng bastos at hambog na lalaki ay nakuha pa siyang ngisihan ng nakaka loko. “Well clearly I am not.” “Yes, clearly you are not.” Sangayon niya rito saka ito sinamaan ng tingin. Malamang nga ay magkapareho lamang ito ng apelido at ni Rafael. Nakita ni Lexie ang bahagyang pag lapit ng bartender na kausap niya kanina sa hambog na lalaki, mayroon itong ibinulong at sa paraan ng pag tango ng lalaking tinawag na Ram at sa paraan ng pag lipat ng tingin nito sa kanya ay hindi niya na kailangan pang hulaan na siya ang pinag uusapan ng mga ito. Kung masama man o hindi ang sinasabi ng mga ito tungkol sa kanya ay wala na siyang pakealam doon, masyadong durog ang puso niya at magulo ang isipan para makipag talo pa sa mga lalaking ito. Handa na sanang umalis si Lexie at iwan na ang hambog na iyon nang hindi pa man nakaka talikod ay muli niyang narinig ang pasaring nito. “So your ex left you? How sad.” Agad na nag init ang magkabilang pisngi ni Lexie dahil sa inis. Wala sa sariling dinampot niya ang isang shot ng alak at buong lakas niyang ibinato iyon sa hambog at bastos na lalaki. “What the hell?” Galit na sigaw nito nang matapon ang laman niyon sa suot nitong tila mamahaling amerikana. “Bastos ka kaya wala kang karapatang magalit na binato kita ng shot glass.” Buong tapang na sabi niya rito saka sinalubong ang nag babaga nitong tingin. “You are crazy, no wonder your ex left you for someone else.” Agad na natigilan si Lexie dahil sa hindi niya inaasahang sasabihin iyon ng lalaki, hindi lamang basta lalaki, the fact na hindi naman sila magka kilala, sa tingin ni Lexie ay wala itong karapatang sabihin ang mga salitang iyon sa kanya. Mapait siyang napa ngiti saka tahimik na tinitigan na lamang ang lalaki. “What? You’ve got something to say?” Inis na tanong pa nito, sa halip na sumagot ay muli na lamang dinampot ni Lexie ang isa pang shot glass na walang laman at buong lakas iyong ibinato sa lalaki. Bakas ang sakit sa mukha nito nang tumama iyon sa noo nito. “You have no right to tell me those things you stupid old cow!” Mariin at bakas ang galit sa tinig na sabi ni Lexie sa lalaki. Akala niya ay matatagalan niya ang masamang tingin nito sa kanya ngunit sa hindi malamang dahilan ay sunod sunod na nag bagsakan nanaman ang mga luhang akala niya ay naubos na sa ilang araw niyang pag iyak. Wala sa sariling napaupo na lamang si Lexie sa bar stool na inuukupa niya kanina at doon umiyak. Ramdam niya ang unti-unting pag lapit sa kanya ng lalaki ngunit hindi niya na lamang iyon pinansin. Mayamaya pa ay inabutan siya nito ng panyo. “Hey, stop crying, people will think na inaway kita, I am sorry I didn’t mean the words I said I was just pissed.” Sincere na sabi nito, sa halip na tumahan ay parang batang lalo lamang lumakas ang iyak niya. “I am so stupid… mag i-isang taon na nila akong niloloko but I am so stupid to not even know that.” Umiiyak pa rin na kausap niya sa sarili, ramdam niya ang pag tapik sa kanyang likod ng lalaking kaaway niya kanina. “Stop crying, okay can I buy you a drink then?” Sabi ng lalaki, unti-unti namang tumigil sa pag iyak si Lexie saka pilit na tumango. “Okay, wait here.” Tanaw ni Lexie ang pag lapit ng lalaking Ram Jordan ang pangalan sa bartender at mayamaya pa ay bumalik din ito agad dala ang dalawang baso ng sa tingin niya ay mamahaling alak. “Here.” Alok nito sa kanya ng isang baso, tahimik niya namang tinangap iyon saka muling yumuko. “I am really sorry, I didn’t mean to say those words.” “O-okay lang…” “My name is Ram by the way, Ram Jordan.” Naka ngiti nang pakilala nito, saka inilahad sa kanya ang palad. Napilitan namang mag angat ng tingin si Lexie para tangapin ang kamay nito. “I-I’m Lexie.” Tipid niyang pakilala. “Taga rito ka ba? You look so young to be hanging out in this kind of place.” “I am not a child anymore…” Sagot niya. “I am not from here, I just visited to attend my nephew’s wedding.” Agad na natigilan si Lexie dahil sa sinabing iyon ni Ram. “W-wedding?” Kunot noong tanong niya. “Yep, my nephew was getting married, his name was Rafael Jordan he’s from here too. Do you by any chance know him?” Napatanga na lamang si Lexie dahil sa nalaman. ‘Oh my God, this gorgeous hunk was my stupid ex’s uncle?’ To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD