Naka ngiting nag pasalamat si Lexie sa driver ni Ram nang ipag bukas pa siya ng pinto ng sasakyan kasabay ng mabilis niyang pag tanggi na ihatid pa siya nito sa loob ng building ng tinutuluyan niyang condominium, ayon sa driver ay isa raw iyon sa mga ipinag utos rito ng among si Ram. Matapos makipag usap sa driver at sabihing siya na ang bahalang mag paliwanag kay Ram na hindi niya na kailangang magpahatid hangang sa loob ay agad na rin siyang nag lakad palayo. Papasok na sana siya sa building nang makita ang isang maliit na resto, pasado alas syete na rin naman at mayamaya lang ay mag di-dinner na kaya’t napag pasyahan niya nang dumaan doon para mag pa take-out ng pagkain. Dala ang ilang supot ng pagkain sa isang kamay ay pa kanta-kanta pa si Lexie habang nag lalakad, kung bakit siya m

