Pakiramdam ni Lexie ay halos mamatay siya sa hiya nang pag pasok na pag pasok pa lamang sa gate ng unibersidad na pinapasukan ay ilang pares ng mga mata na agad ang naka sunod sa kanya. Malungkot ang langit sa araw na iyon at halos walang tigil sa pag ulan, kaya naman naiintindihan ni Lexie kung bakit siya pinagtitinginan. Sino nga ba naman ang matinong tao na mag susuot ng isang malaki at makapal na sun glasses habang bumabagyo? Ano nga ba ang magagawa niya? Wala naman kasi siyang choice kung hindi ang mag suot niyon para itago ang namamaga niyang mata. Mas nakakahiya naman yata kung iyon ang makita ng iba lalo pa at halos lahat yata ng tao doon ay may alam tungkol sa hiwalayan nila ni Rafael. Lexie figured she never wanted to give other people idea on how she was dealing with the br

