Humahangos na napabalikwas ng bangon si Lexie mula sa kasarapan ng tulog nang marinig ang sunod sunod na katok sa pinto ng kanyang bahay, agad ding nalipat ang tingin niya sa isang digital clock na naka patong sa kanyang bedside table at inis na napa irap nang makitang pasado alas sais pa lamang ng umaga.
“Lexie?”
Rinig niyang tawag nanaman ng kung sino at sinamahan pa ng malalakas na katok sa pinto.
Sa boses pa lamang ng tumatawag ay alam niyang ang hudas niyang ex na si Rafael iyon.
“God’s teeth, what a nice visit to ruin somebody’s good sleep.”
Inis niyang sabi saka tinatamad na tinungo ang pinto, hindi para buksan iyon kundi para palayasin ang kanyang uninvited visitor.
“Lexie, alam kong nandiyan ka sa loob, please open the door.”
“What the hell are you doing here? Get lost!”
Malakas niyang sigaw. Lalo lamang naman siyang nainis nang sa halip na umalis ay mas lalo lamang din lumakas ang pag katok nito na kulang na lamang ay sirain na ang kanyang pinto.
Napilitan tuloy siyang pag buksan ito.
“What?”
Agad niyang sigaw pagbukas pa lamang niyon. Bumungad sa kanya ang nakikiusap na mga mata ni Rafael, mabilis na umangat ang kanyang kilay nang malipat ang tingin sa hawak nitong isang malaking bouquet ng kulay pulang mga rosas.
“Let’s talk.”
Pakiusap nito.
“I said get lost!”
Masungit niyang sabi saka muli sanang isasara ang pinto, halos mang gigil pa siya sa inis nang harangan iyon ni Rafael.
“Ano bang kailangan mo?”
Walang reaksyon niyang tanong dito.
“Mag usap lang tayo, here these are for you.”
Pakiusap nito saka pilit na inabot sa kanya ang hawak na mga bulaklak, wala namang reaksyon niya iyong tinitigan.
“Wala na tayong dapat pang pag usapan, niloko mo ako, nabuntis mo ang pinsan ko at ngayon ikakasal na kayo, malinaw iyon. Wala ka nang dapat pang ipaliwanag.”
Pa balang niyang sabi saka muling tinangkang isara ang pinto.
Sa halip na umalis ang peste niyang ex ay nag tuloy-tuloy lamang ito papasok sa kanyang bahay na labis niyang ikina inis.
“Ano ba sa umalis ka na ang hindi mo maintindihan?”
Galit niyang tanong dito, nanatili namang tahimik si Rafael. Mag sasalita pa sana si Lexie ngunit hindi niya na natuloy nang siilin siya ng halik nito sa labi.
“I love you, Lex. Ikaw ang mahal ko at hindi si Amanda, please believe me, ayaw kong mag pakasal sa kanya.”
Sabi nito, pilit itinago ni Lexie ang gulat nang makita itong umiyak, sa halip na maawa ay lalo lamang nadagagan ang galit na nararamdaman niya sa lalaki.
“Get out!”
Mariin niyang utos dito.
“Lex, please.”
“I said get out!”
Hindi niya na napigil ang mapa sigaw, nakuha niya pang itulak si Rafael palabas sa pinto ng kanyang bahay nang tuluyan na itong maka labas ay ubod ng lakas niyang isinara ang pinto.
‘I love you…’
Tila echo ang boses na Rafael nang muli niyang marinig mula sa kawalan ang mga katagang iyon.
Mariing napa pikit si Lexie kasabay ng sunod-sunod na pag tulo ng mga luha.
“Lexie? Anong nangyari?”
Nag aalalang tanong ng pinsang si Claire, mukhang nagising din ito dahil sa ingay.
“Rafael…”
Iyon lamang ang tangi niyang nasabi, tila naintindihan naman iyon ng pinsan, mabilis itong kumilos para lapitan siya.
“Shhh, I know it hurts, I am just here…”
Pang aalo nito sa kanya, sa halip na tumahan ay lalo pa siyang umiyak.
“What the hell did I ever do to deserve this Claire? Ano bang kasalanan ko?”
Umiiyak niyang tanong sa pinsan.
“Wala, they just betrayed you.”
Malungkot na sabi ng pinsan saka mahigpit siyang niyakap.
“This man, Rafael’s uncle, Ram Jordan…”
“Y-yeah?”
“Sabi mo you plan to use him against your ex?”
Kunot noong tanong ni Claire, agad namang tumahan si Lexie sa pag iyak.
“Y-yeah, I am not sure if that’s the best thing to do but, yes. Balak kong gamitin si Ram.”
Sabi niya saka tinitigan ang pinsan.
“How do you plan to do that?”
Kunot-noong tanong ni Claire, sandali naman siyang natahimik at nag isip.
“Rafael cheated on me, do you know why?”
Tanong niya saka mapait na ngumiti.
“Because I can’t give him s*x, because I am a virgin and I told him to wait.”
“Pero hindi niya kayang mag hintay and Amanda was there?”
Pag tutuloy ni Claire sa kanyang sasabihin.
“Yeah, Amanda was there.”
Malungkot niyang sabi saka muling umiyak.
“Ram Jordan was here now too, kung ibigay ko sa kanya ang hindi ko naibigay kay Rafael, do you think it’ll hurt him?”
Tila wala sa sariling tanong niya kay Claire.
“W-what do you mean?”
“Give away the sole justification why he cheated on me, I will give away my virginity to his uncle, Ram Jordan…”
“Are you out of your mind?”
Halos pa sigaw at hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Claire, malungkot siyang ngumiti saka umiling.
“I think I am, Claire…”
Pa bulong niyang sabi.
“Lex, I don’t think that is the best way to do, you will just hurt yourself more than you’ll hurt Rafael. You can’t just sleep with him.”
Puno ng pag aalalang sabi ni Claire.
“Then how?”
Tanong niya.
“You, taking revenge against your ex, is that really necessary? I mean, you can choose to be better and I don’t really think sleeping with a complete stranger is the best option.”
“You can either help me, or stay out of it, Claire.”
Sabi niya saka mataman itong tinitigan.
“I know nag aalala ka and I appreciate it, I know how stupid this plan is too, but if this is the only way to deal with the pain, I will do it Claire.”
Seryoso niya pang sabi.
“So what can we call this mission then? Operation help Lexie get laid?”
Kunot-noong tanong ni Claire matapos ang ilang minutong katahimikan.
Si Lexie naman ang natahimik at napatitig na lamang sa pinsan.
“Oo na, I will help you, katangahan itong naiisip mong gawin, no offense pero oo na, I will help you.”
Sabi pa nito, nanatili namang tahimik si Lexie.
“Oh eh alangan namang pabayaan kita di’ba?”
Sabi pa ni Claire saka siya inirapan, ilang minuto pang katahimikan at halos sabay pa silang natawa.
“Gosh, I wish you are not serious about this, but then I know you are.”
Sabi ni Claire habang nag papahid ng luha.
“I am.”
“So how do you plan to do this?”
--
“Oh my God, Ram Jordan right?”
Naka ngiting sabi ni Lexie habang pilit na nag kukunwaring gulat na nakita si Ram sa restaurant na iyon.
“Lexie, it’s you, hi.”
Naka ngiting sabi ni Ram saka mabilis na kumilos para makipag kamay sa kanya.
“Do you live close by? I mean palagi kasi kitang nakikita ng biglaan.”
Naka ngiti pa ring tanong ni Lexie sa lalaki, kung hindi lamang niya naiisip na baka makahalata si Ram kung masyado niyang ipipilit ang pagiging inosente niya sa pag kikita nila ngayon, malamang sa hindi ay inirapan niya na ang kanyang sarili.
Hindi niya rin naman lubos maisip na talagang seryoso ang pinsan niyang si Claire na tulungan siyang mapalapit kay Ram, sa katunayan ay si Claire pa ang punong abala sa pag hahanap ng ‘lead’ kung saan posible niyang makita ang lalaki at hindi nga ito nagkamali.
Kanina lamang nang maka tangap siya ng text mula kay Claire na posibleng nasa restaurant na ito si Ram Jordan, pag labas niya sa unibersidad na pinapasukan ay agad siyang nag tuloy doon at tama nga si Claire.
“Yeah, I live close to that university.”
Naka ngiti ngunit kaswal na sabi ni Ram saka itinuro ang gate ng unibersidad na kanyang pinapasukan.
“Halika maupo ka, have you ordered yet?”
Tanong pa nito.
“Oh no, kakarating ko lang.”
Naka ngiti niyang sabi, hindi na rin siya nagpakipot pa at mabilis na naupo nang ipag hila siya ni Ram ng upuan.
Hindi niya na rin pinigil nang kawayan nito ang isang waiter.
Simpleng sandwich at banana milk shake lamang naman ang sinabi niyang order nang tanungin siya nito.
“So, may gagawin ka ba mamayang gabi?”
Direkta niyang tanong sa lalaki, nakita niya pa ang bahagyang pag kunot ng noo nito bago sumagot.
“Wala naman, what about you?”
“Exams are over so I was thinking of having a bit of fun, sama ka?”
“Exams?”
Kunot-noong tanong nito.
“Oh yeah, I didn’t mention, I was a medical student in that university.”
Naka ngiti niyang sabi saka itinuro ang malapit na unibersidad.
“So you are a kid? A college student?”
“Not a kid, I am 24. Legal.”
Pag pipilit niya sa edad.
“Still, you are a fetus.”
Sabi nito saka umiling.
“I don’t hang out with kids, Lexie.”
Dagdag pa nito, kung hindi lamang ito naka ngiti ay iisipin niyang seryoso ito.
“I am not a kid, can we go out grab some drink tonight?”
Direkta niyang tanong.
“You are asking me to go out with you? Like go out, out like a date?”
Kunot-noong tanong nito.
“If you like calling my invitation to get drunk a date then, yeah.”
Kibit-balikat niyang sabi saka ito matamang tinitigan.
‘How the hell does this man looked so handsome even with a frown?’
Bulong niya sa isipan saka sandaling pinag aralan ang mukha nito.
‘Rafael is nothing compared to him…’
Muli niya pang kausap sa sarili saka napakagat labi nang malipat ang tingin sa mapupula at may kakapalan nitong mga labi.
“I am sorry Lexie, but I prefer my woman sober so date with liquors isn’t really my thing, besides… Kids are not my type.”
Sabi nito na kulang na lamang ay ismiran siya.
“Sober, really? Hah! Fine, and FYI I am not a kid anymore, I am 24, what are you 50?”
Pigil ang inis na sabi niya.
Gee, she never thought that men like Ram could be this hard to pursue.
“Exactly, you are 24, you are a kid, and no I am not 50, I am sure I will be the most good looking 50 year old man if I am.”
May halong kayabangan na sabi nito, hindi naman mapigilan ni Lexie ang sumangayon dito, gwapo nga at matipuno ang lalaking ito kung ikukumpara sa lalaking edad sinkwenta anyos.
“Yeah sure you are, I cannot argue with that, you are a complete definition to Greek God in every mythology books I have read, but still I am no longer a child.”
Pag pupumilit niya pang bigyan ng hustisya ang kanyang edad.
Kita niya ang sandaling pag irap ni Ram dahilan ng kanyang pag dadalawang isip kung dapat niya pa bang ituloy ang maitim niyang balak na gamitin ito laban sa kanyang ex na pamangkin din nito.
“I am 36, kid. Way older than you.”
Seryosong sabi nito saka umiling.
Natagpuan na lamang ni Lexie ang sariling tahimik na nag bibilang sa isipan, mabilis siyang napa ismid nang mapag tantong hindi naman ganoon kalaki ang agwat ng kanilang edad.
“Twelve years.”
Sabi niya saka muli itong tinitigan.
“What?”
Kunot-noong tanong nito.
“You are only twelve years older than me.”
Paliwanag niya, rinig niya ang mahinang tawa ni Ram, nakuha pa nitong uminom ng ilang lagok mula sa tasa ng kape nito bago nag salita.
“Yes, twelve, that means I am already having my fair share of women while you are still on your binkies.”
Lexie’s one eyebrow lifted, this man is absolutely out of context.
“Hah, twelve years old? Fair share of woman? Eh baka nga hindi ka pa tuli nun eh.”
Wala sa sariling bulong ni Lexie, hindi naman iyon naka lampas sa pandinig ni Ram.
“Hindi pa tul- what the hell? Kids aren’t supposed to be saying those things.”
Nahintakutang sabi ni Ram habang hindi makapaniwala siyang tinapunan ng tingin.
“Okay, you weren’t supposed to hear that. But come on, hindi na ako bata, I am 24 and you are treating me like a blabbering 14 year-old teen age girl, stop that, it’s not charming.”
Naka nguso niyang sabi dahilan para matawa nanaman si Ram.
“You are acting like a kid just about now, Lexie. And it is charming.”
Naka ngising sabi nito.
“Stop trying to justify your age, you are still a kid and I am way older than you, we can’t go out on a date.”
Sabi nito.
“If you can’t go out on a date with me, you don’t have to that, just sleep with me then.”
Lakas loob niyang sabi, naging dahilan naman iyon para masamid si Ram sa iniinom na kape.
Wala namang pakealam na inabutan lamang ito ng tubig ni Lexie.
“I can’t even go out on a date with you, how much more f#ck you?”