MARI POV: Naihatid naman talaga siya ni Zevander sa bahay sa tamang oras. Kaya naman hindi na ito naabutan ng kapatid na si Dalum. Inayos niya agad ang mga gamit na dadalhin pauwi. Para naman kapag dumating ang kapatid ay aalis na sila agad. Limang libro ang binili nito sa kanya. Kahit nagkaroon pa sila ng argumento sa loob ng National Bookstore dahil giniit niya rito na isa lang ang bilhin. Lahat pala nang nahawakan niyang libro sa loob nang store na halata masyado na gusto niya ay talagang kinuha nito para bilhin. Ang dami nitong gustong bilhin para sa kanya. Pero ayoko, dahil baka yun pa ang maging dahilan para isipin nang iba na sinasamantala ko ang kabaitan ng lalaki. May pera rin naman siyang pambili kaya hindi niya iaasa sa iba ang gustong bilhin. Mahirap nang makarinig nang masama

