MARI POV: Dahil nagpapabebe ang lalaking to sa kanya kaya naman inasikaso niya ang binata. Pinunasan niya ang pawis nito sa likod. Habang si Sera naman ay impit na humagikhik sa kilig dahil sa kanilang dalawa ni Zev. Hampas at kurot na naman ang aabutin niya nito mamaya sa kaibigan. Mapanakit pa naman ito kapag kinikilig. Nang tapos na ang team nila na imeeting nang coach ay lumapit ang binata at nagpa alam na mag aayos muna nang sarili sa locker room nila. "Best, sama ka samin ni Zev, pupunta kami nang mall." ani niya. "Naku best, kayo na lang. First date niyo tapos kasama ako. Ano kaya yun. Ayokong maging third wheel niyo. Saka may meeting pa kami nang org. Basta umuwi ka kaagad baka pumunta si Dalum sa bahay at wala ka pa. Patay tayo niyan. Ang higpit pa naman ng mga kapatid mo. Ba

