Umuwi na sila sa boarding house. Nagtaka siya kung bakit maraming tao sa bahay ni Nanay Siony. Ano kaya ang meron? Lumapit siya sa may pinto at sumilip sa loob ng sala nito. Maraming tao at mukhang may handaan ata. Nakita siya ni Nanay Siony at tinawag. Agad naman silang lumapit ni Sera rito. Nagmano sila at tipid na ngumiti sa mga bisita nito na nakatingin sa amin. "Good afternoon po sa inyong lahat." magalang na pagbati niya sa mga ito. "Mari at Sera, kumain na kayo diyan at maraming pagkain. Birthday ko kaya naghanda ako nang maliit na salo-salo." ani nito. "Sige po, Nay. Thank you." "Best, libre ang dinner natin ngayong gabi." makulit na sabi nito sabay hagikhik nang mahina. "Tumigil ka, at marinig tayo ng mga bisita ni Nanay Siony. Sabihin niyan patay gutom tayo." "Hahaha, hali

