Chapter 8 - Hit by the ball

1346 Words
Maayos naman nilang nairaos ang araw. Ang huling subject para sa araw na ito ay ang Physical Fitness. Lahat sila ay kailangang pumunta sa gym at doon gaganapin ang fitness practice nila. Ang totoo niyan, itong subject nato ang pinaka ayaw niyang subject sa lahat. Nakakatamad gumalaw. Ang kaibigan naman niya ay excited na, dahil marami raw biyaya ng Diyos siyang makikita sa gym. Syempre makikita nito ang mga crushes nito na mga basketball player nang school nila na laman lagi ng gymnasium dahil sa araw araw na practice ng mga ito. Marami talagang mga estudyante ang tambayan na ang gym para makasilay sa mga gwapong manlalaro nang campus nila. Wala naman siyang ka amor amor sa mga fans club na yan. Parang mga ewan. Habang nagpapractice ang mga kaklase ay nakaupo lang siya sa bleacher at nanonood sa mga ginagawa ng mga ito. Inaantok na siya sa totoo lang. Pwede kaya siyang maidlip? Magsusuot na lang siya ng sunglasses at kunwari nanonood sa mga kasama. Pero iidlip lang talaga siya. Hahaha. Wala pa naman ang propesora nila kaya may pagkakataon pa siya. Ginawa nga niya ang plano niya at isinandig ang katawan sa gilid nang pader. Makalipas ang ilang minuto..... "Watch out, Miss------" "Blaaaaaaag- "Pusang gala, arayko. Ang sakit nun!!!!" nakasigaw na sabi niya. Sapo niya ang ilong na feeling niya na dislocate ata dahil sa pagtama sa kanya nang kung ano. Naramdaman rin niya ang pag agos nang dugo mula sa ilong niya. "Best, Oh my God. Ayos ka lang ba?" nag aalalang lumapit ito sa kanya at kinuha ang panyo at ipinunas sa ilong ko. "Miss, sorry hindi ka kasi umiwas sa bola." Tiningnan niya ng masama ang lalaking walanghiya na siya pa ang sinisi dahil sa hindi siya umiwas sa bolang lumilipad kanina. Ang epal din nito. Nakakainis. "Hongoy, hako ma hang shinisi no hunggoy ka- galit na akusa niya rito. Tumigil siyang magsalita kasi parang tunog ngongo na siya. Kasi naman itong bestfriend ko tinakip na sa ilong kong dumdugo ang towel at panyo nito para maampat ang pagdurugo. Hirap na tuloy siyang magsalita at huminga. "Kailangang madala ka sa clinic agad agad. Baka maubusan ka ng dugo at hindi na maibalik ang ilong mo." tarantang sabi nito sa kanya. Inirapan niya ito dahil imbes na dalhin na siya sa clinic, ay tarantang taranta itong sumisigaw at hindi na alam ang gagawin. Haist. Ang OA. Naramdaman niyang may bumuhat sa kanya. Napatingin siya agad sa lalaking may gawa. Oh my gulay---napamulagat siya ng mata at agad na naramdaman ang malakas na kalabog ng dibdib at ang pagtaas ng balahibo sa batok. Aha. Ito pala ang dahilan kung bakit bigla bigla na lang niyang nararamdaman ang ganitong pakiramdam. Akala niya minumulto na siya. Yun pala dahil sa lalaking may buhat sa kanya ngayon, ito ang dahilan. Napatingin siya sa makinis nitong mukha. Wala man lang ka pores pores at mas makinis pa ang mukha kesa sa kanya. "Try to be aware of your surroundings. It is not a good idea to sleep in a crowded place like a gymnasium. You should know that." panenermon nito sa kanya. Umirap siya at napanguso sa sinabi nito. Paano kaya nito nalaman na tulog siya kanina. Hmmm.. Mamaya to sakin. Gaganti ako sa panenermon nito. Hindi lang ngayon dahil sa nakatakip na towel sa buong ilong ko at bibig. Nang madala na siya nito sa clinic ay agad akong inasikaso ng nurse na naka duty lalo na nang makita kung sino ang may karga sakin. Agad niya kong nilapag sa upuan. Nang paalis na ito ay hinila niya ang damit nito at sumenyas na huwag itong aalis. Ginamot naman siya agad nang nurse at nilagyan ng yelo ang ilong na tinamaan. Habang ang binata ay nakasimangot na naghihintay sa gilid ng pinto. Nakatayo lang ito at mukhang naiinip na. "Halika rito, Mr. Montague. May itatanong ako sayo."mahinahong sabi niya. Lumapit naman ito sa kanya na salubong ang kilay at parang galit. "Sino ang nakatama sakin nang bola kanina?" nakataas ang kilay na tanong niya rito. Matagal bago ito nakasagot sa kanya. Umiwas ito ng tingin sa kanya. "It was not intentional. Nangyayari talaga yun sa isang laro." Ang cute pala nitong mag tagalog. Hehehe. Nawala na nang konti ang galit niya. "So, sino nga ang nakatama sakin ng bola kanina?" nakataas ang kilay na patuloy niyang pagtatanong rito. Napabuntong hininga ito. "Fine, it was my fault. I'm sorry." labas sa ilong na paghingi nito sa kanya ng pasensya. "Hindi ka sincere sa sinabi mo na sorry. Ikaw na nga ang nakasakit tapos ganyan ka pa. Umalis ka na rito. Hindi ko kailangan ang tulong mo." umiwas na siya nang tingin rito. "Aba't--talaga naman. Tumulong na rin naman ako."bubulong bulong na sabi nito. "Iwan mo na ko rito. Makakaalis ka na, Mr. Montague. Salamat na lang sa tulong mo." "Bahala ka nga." nag walk out nato. Parang tanga lang ang lalaking yun. Siya na nga ang nakapanakit sa kanya tapos eto pa ang may ganang mag walk out. Bahala siya sa buhay niya. Maya maya lang ay pumasok sa clinic ang kaibigang si Sera. Kumakain ito ng corn dog at sandwich. Gutom na rin siya kaya paglapit nito sa kanya ay hinablot niya ang kinakain nito. "Best, naman. Akin yan eh. Gutom na gutom?" naiinis na sabi nito sa kanya. "Hindi mo man lang ako binilhan nang ganito. Ikaw lang pala ang kakain. Unfair yun." ani niya rito. "Hahaha. Nakalimutan pala kitang bilhin. Ano ba naman kasi Best, bakit hindi ka umiwas kanina. Yan tuloy napingasan ang magandang ilong mo." Inirapan niya ito at asar na tiningnan nang masama. "Baliw ka ba, paano ko maiiwasan yung bola?" "Gaga ka ba? Natural makikita mo naman yun kung may palipad malapit sayong bola. Unless, kunwaring nakasalamin ka pero ang totoo natutulog ka talaga kanina. Tama?" nanlalaki ang mga mata na sabi nito. "Eh sa inantok ako kanina. Kaya naidlip muna ko." natatawang sabi ko rito. "Haist, kahit saan na lang talaga kapag tinamaan ka nang antok talagang matutulog ka. Ayan tuloy. Pero my dear, my beloved bestfriend --" parang pusa ito na yumayakap yakap pa sakin. "Ano ba ang problema mo? Para kang ewan diyan. Mukha kang baliw." pang aasar niya rito. "Alam mo ba nung binuhat ka ni Papa Zevander kanina? Hang cute niyong tingnan. OMG. Nakakakilig talaga Best." kilig na kilig na sabi nito kasabay nang pag yugyog nito sa kanya. "Nahihilo ako sa pinag gagagawa mo Seraphina. Hay naku naman talaga."yamot na sabi niya rito. Para itong bata sa asal nito ngayon. "Hindi ka ba kinilig? Ang swerte mo Best. Nabigyan ka nang pansin nang isang katulad niya." "Anong kina swerte ko dun, aber? Natamaan na nga ako ng bola tapos gusto mo matuwa pa ko? Abnormal ka ba?" gusto na niyang batukan ang kaibigan para matauhan sa mga kabaliwan nito. "Napaka mo talaga, Best. Alam mo ba na kinaiinggitan ka ngayon ng mga ka schoolmate natin? Kasi nabuhat ka pa niya tapos ang lapit niyo lang kanina sa isa't-isa. Sana all na lang talaga." "Pwede ba Best, manahimik ka na lang diyan. Kung ano ano ang pinagsasabi mo diyan. Wala namang mga kwenta ang pinag iisip niyo. Natural bubuhatin ako nun dahil kasalanan niya kung bakit ako tinamaan ng bola. Kaya syempre magkukunwari yun na concern. Pero ang totoo pakitang tao lang yun. Kaya huwag kang kiligin diyan." "Ito naman ang bitter mo. Oh siya, kaya mo na ba na bumangon diyan? Umuwi na tayo. Pinayagan na tayo ni Prof na huwag nang tapusin ang subject niya. Magpahinga ka na lang raw." "Magpahinga ako? Eh bakit mukhang kasama ka? Wala namang masakit sayo." "Syempre naman. Bestfriend tayo kaya dapat lang talaga na samahan kita." natatawa ito sa mga kalokohan niya. "Sabihin mo, ayaw mo lang pumasok sa last subject natin. Ako pa talaga ang dinahilan mo." Tumawa lang ito at inakay na siya palabas ng clinic. Bumalik muna sila sa classroom at kinuha ang mga gamit nila. Umuwi na rin sila agad. Grabe ang sakit ng ulo ko. At gusto ko nang mahiga at matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD