Chapter 7 - Run into

1310 Words
Nagtulong silang magluto na magkaibigan. Agad naman silang natapos. Kasabay nang pagluto nila ng paksiw na isda ay nagsaing na rin sila. May mini ref naman sila sa loob ng kwarto nila kaya nag decide silang gumawa ng buko salad. Ang buko ay dala niya mula sa kanilang farm. At ang fruit cocktail naman ay matagal na rin sa mini pantry nila. Madali lang naman silang nakagawa ng dessert nila. Kaunti lang ang nagawa kasi sa kanilang dalawa lang naman. Alas-siyete nang gabi ay handa na ang dinner nila. Masaya silang kumain at pinag saluhan ang munting hinanda nila. Nagkukuwentuhan sila ng mga kalokohan nila sa buhay. Si Sera na ang naghugas nang pinagkainan nila. Habang siya naman ang nagwalis at nag ayos ng nagulo nilang mga gamit sa kwarto. Alas-otso na ay nagdesisyon na silang magpahinga. Nag alarm siya ng alas singko nang umaga. Alas otso kasi ang pasok nila ni Sera kinabukasan. MARISHKA POV: Nang tumunog na ang alarm clock niya ay agad siyang bumangon. Nag init na siya ng tubig para sa kape nila. Ang natirang kanin ay hinanda na niya para gawing fried rice. Itlog at luncheon meat na lang ang uulamin nila. Ang sarap nitong isama sa fried rice. Dapat nga may tuyo pa para sobrang sarap. Quarter to 6 ay ginising na niya ang kaibigan para makapag agahan na sila. Parang hirap na hirap itong imulat ang mga mata. Nilagyan na niya ang plato nito ng pagkain. Alas sais ay tapos na silang mag agahan. Si Sera na muna ang pinaligo niya at medyo matagal itong maligo. Habang siya ay nag ayos muna nang buong bahay. Nagwalis na muna siya, nag tupi ng mga kumot at bedsheet, ang mga lalabhang damit ay inayos muna niya sa laundry basket at maglalaba siya sa Thursday kasi may vacant time siya sa araw na yan. Sa morning lang ang pasok niya at sa hapon naman ay nasa bahay lang siya. Inayos naman niya ang mga damit niya sa cabinet. Nang makatapos ay umupo muna siya sa kama at nag cellphone. Nag text ang mama niya at nagtanong kung nag agahan na ba daw siya. Hindi rin nito naibigay sakin ang allowance ko for this week. Tumawag na lang ito sa kanya. Nahirapan siguro sa pag text. "Hello Ma." ani ko. "Anak ko, hindi kita nabigyan nang allowance mo ngayong week. Nakalimutan ko sa kakamadali. Sorry. Ipapadala ko na lang sayo, sa Gcash na lang ba?" "Bahala ka po, Ma." "Sige Anak, tutal may laman naman ang gcash ko. Thirty thousand pesos anak ang ipapadala ko, kasama na diyan ang tuition mo at allowance. Pinadagdagan nang Kuya Marino mo ang allowance mo, pambili mo raw ng damit at mga gamit mo." "Naks, sana all na lang talaga si Kuya, yayamanin. Pakisabihan na lang po siya na salamat sa wagas na pagmamahal at pagsuporta." "Syempre lahat naman ng mga kapatid mo, mahal na mahal ka. Ikaw lang ang nag iisa naming prinsesa eh." "Ang mama, ang cheesy ngayon. Hehehe. Si bunso Ma, kasama mo rin ba ngayon?" "Ewan ko ba dun sa kapatid mo, kung saan na naman ata napunta sa kaka lakwatsa. Hindi umuwi kagabi, may tinatapos raw na project. Ewan ko kung totoo. Pag uwi nun rito sasabunin ko nang walang banlawan ang lalaking yun." yamot na reklamo nito sa kanya. "Huwag mo nang pagpapansinin yun, Ma. Binata na rin naman yun si Dalum. Alam na niya ang Tama at Mali. Stress lang ang aabutin mo sa pasaway na batang yun." "Kaya nga, sutil at pasaway pa naman." Nakita niyang lumabas na sa banyo si Sera. "Ma, maliligo na po muna ako. May pasok po kaming alas otso ngayon. Tapos na si Sera sa banyo. Ako naman ang maliligo." "Sige na anak ko. Ipapadala ko na rin ngayon. Mag chat ka kung nasa account mo na ang pera pagkatapos mong maligo. Sige na, Bye, labyou." "Bye Ma, loveyoutoo po." Nilapag na niya ang cellphone niya sa higaan niya at pumunta na nang banyo. Kung si Sera sobrang tagal sa banyo. Siya ay ten minutes lang tapos na agad. Mabilis lang talaga siyang maligo. Agad siyang nagbihis nang uniform nila. Kapag lunes ang uniform nila pambaba ay slacks at kapag martes naman ay skirt. Sinuklay niya lang ang buhok at nag apply ng manipis na make up. Si Sera naman nung malingunan niya ay tapos na rin mag ayos sa sarili. Binuksan na muna niya ang cellphone at nakita naman niyang nasendan na siya ng pera ng mama niya. Nireplayan niya ito na nasa account na niya ang pera. Agad niyang pinasok sa bag ang cellphone at tiningnan kong wala na ba siyang naiwan na mga importanteng bagay. 'Best, halika na at 7:30 na. Maglakad na lang tayo at tutal hindi pa naman tayo malalate." aya niya rito. "Okay, let's go na." Sabay na silang bumaba ng boarding house. Nagpaalam naman sila sa landlady nila na papasok na. Habang naglalakad papunta sa eskwelahan ay masaya silang nagbibiruang magkaibigan. Nang walang ano ano ay may umakbay sa kanya nang nasa may gate na sila ng campus. Dahil sa automatic reflex ng katawan ay malakas kong siniko ito at agad namang napaupo sa sahig ang salarin. "Hahahah, yan kasi, kung ano ano ang pinag gagawa mo Nathan. Nasaktan ka tuloy ni Besty." pang aasar rito ni Sera. "Ano na namang kalokohan kasi ang naiisipan mo diyan, lalaking tukmol?" nakataas ang kilay na tanong niya rito. Binigay niya ang kamay rito at agad naman itong humawak sa kamay niya at tumayo na. Agad naman niyang binitawan ito nang makatayo na. "Hello aking binibining Mari. Wala ba talagang spark nung nagkahawak tayo nang kamay?" usisa nito sa kanya. "Anong spark ang pinagsasabi mo?" gulong gulo na tanong niya. "Hahaha, wala. Huwag mo nang pansinin ang sinabi ko. At baka pati ang pakikipag kaibigan hindi mo ibigay sakin."humina ang boses nito sa huling sinabi. Hindi na niya ito pinansin at nagpalinga linga na lang sa parking lot ng school nila. Ang daming may mga kotse talaga sa mga estudyante rito. Napatingin siya sa VIP space ng parking area. May sasakyan nang nakaparada roon at nakita niyang nakatayo sa labas ng sasakyan ang binatang anak ng presidente nila sa school nato. Naka shades ito at seryosong nagmamasid lang. Nang bumaling ito sa direksyon niya ay ngumisi ito, hindi niya alam kong para ba sa kanya ang ngising yun o para sa iba. May kilabot na hatid sa kanya ang ginawa ng binata. At naramdaman niya ang kaba sa dibdib at ang mga paro parong parang nagliliparan sa tiyan niya. Ang baduy nung naisip ko na yun. Hahaha. Napakamot na lang siya sa ulo niya at ibinaling na sa ibang direksyon ang atensyon. Nag aaway na naman ang dalawa na parang mga bata. Tiningnan niya ulit ang lalaki kanina at andun parin ito sa pwesto nito at may mga kasama nang barkada ata at mga bagong estudyante rin sa school nila. Bale lima silang nag uusap sa labas kotse ng binata. Napaka seryoso talaga ng awra nito at parang ang hirap na biruin. Maraming babae rin ang nagpapacute sa mga ito. Hindi na lang pinapansin ng mga lalaki at focus lang sa pinag uusapan nila. Nagkibit balikat siya at inaya na ang dalawa na pumasok na sila. Natigil naman sa paggirihan si Sera at Nathan. Humiwalay na sa kanila si Nathan dahil malayo layo pa ang building ng engineering department. Sila naman ay medyo malapit lang din sa Administration office ng school. Agad silang pumasok sa classroom at hindi na nakigulo sa mga kaklase na nasa hallway lang at narinig niya na sisilipin na muna ng mga ito ang anak ng may ari ng school nila. Nasa sunod na building ito at dadaan talaga sa building nila. Nagtilian ang mga babae nang makita na siguro ang binata na naging pantasya na nang mga kababaihan rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD