Maraming activities sa Gymnasium ngayon. Mga iba't ibang palaro. Mga contest sa pagkanta, pagsayaw, battle of brains at kung ano ano pa. Naaaliw naman siyang manuod ng singing contest. Ang daming mga talented talaga sa school nila. Siya lang talaga ang walang talent. Hahaha. Magaling lang talaga siyang kumain, masipag at maganda. Yun lang. Pero huwag lang talaga marinig nang kaibigan niya na nagsabi ako sa sarili ko na maganda ako, at talagang katakot takot na pagkontra ang mangyayari niyan. Ayaw nitong tanggapin na maganda ko, gusto nito siya lang ang maganda. Hahaha. Malimit na biruan nila ang magpa yabangan kong sino ang mas maganda. Ewan ko ba sa mga trip namin sa buhay.
Nakaupo lang siyang mag isa. Umalis muna kasi si Sera at pinuntahan ang mga ka officer niya sa isang organization kung saan opisyal ito. Hindi pa ito bumabalik.
"Hi Mari." biglang bati sa kanya nang kung sinong impakto.
Nilingon niya ang manliligaw niya kunong si Nathan. Sumimangot siya pagkakita rito.
"Bakit andito ka na naman? Wala ka na namang magawa sa buhay mo?"angil niya rito.
Nathan De Luna, 3rd year college rin. At engineering ang course. Lagi itong tambay sa building nila kaya naman wala na itong magawang maayos sa buhay kundi mangulit sa kanya. Na love at first sight raw ito sa kanya noon pa man. Ang baduy nang ga##. Hindi man lang nakakakilig ang banat nito lagi sa kanya. Ang creepy pa nang pinagsasabi nito sa kanya. Gusto na nga niyang balian ito ng buto sa katawan at itapon sa ilog na nababalot nang sako.
Pero syempre hindi niya pwedeng gawin yun dahil ayaw niyang maging wanted sa batas.
"Ang ganda ganda talaga ng araw Mari, kapag nakikita kita. Lumiliwanag ang madilim kung mundo kapag nasisilayan ka." hirit nito sa kanya.
"Ang lakas nang amats mo ngayon, Nathan. Wala ka na namang magawa sa buhay mo."galit na sabi niya rito.
"Eto naman si Mari, palaging galit sakin pag nakikita ako, hindi ba ko kaibig ibig na tao? Hindi ba lumiliwanag ang mundo mo pag nasa harap mo ko?."
"Obvious ba na hindi, at hindi nagliliwanag ang mundo ko pag nakikita ka, nandidilim talaga. Eh sino ba naman ang matutuwa pag nakita ka? Aber? Mukha kang baliw sa mga pinagsasabi mo. Lubayan mo nga ako De Luna at baka hindi na talaga kita matantiya." angil niya rito.
"To naman, kahit minsan naman maging mabait ka sakin. Yung para bang magtropa lang ba. Kung talagang wala kang gusto sakin. Eh sige, irerespeto ko yan."malungkot na sabi nito.
Naantig naman ang kalooban niya sa hitsura nito ngayon na malungkot at mukhang natalo sa sugal. Mabait naman ito sa kanya at sa ibang tao, hindi ko lang gusto yung mga hirit niya. Ang baduy, sobra. Saka hindi niya talaga mapilit ang sarili na magkagusto rito. Dahil wala man lang spark sa pagitan nila.
Bumuntong-hininga siya. "Sige na nga, hindi na kita aawayin. Friends na tayo. Basta promise mo na barkada lang. Ititigil mo na yang panliligaw mo na walang katuturan. Okay? Kasi wala talaga sa plano ko ang mag boyfriend habang nag aaral. Ang wala rin talaga akong gusto sayo."
"Aray ko!! Ang sakit nun. Ang straightforward mo talaga magsalita." nakasimangot na sabi nito.
"Mas okay na yung nagsasabi na ko sayo ng totoo kesa lokohin kita. Pakikipag kaibigan lang talaga ang kaya kong maibigay sayo. Kaya huwag mo nang ipilit sakin ang sarili mo. Okay?" mahinahong sabi niya rito.
"Oo naiintindihan ko. Maghahanap na lang ako nang ibang liligawan ko. Yung mas maganda sayo." mayabang na ani nito.
"Oo na lang. Bahala ka. Goodluck. Ipapatarpaulin ko na lang kapag meron ka nang mahanap na iba.Hahaha."
"Ang sama mo talaga."
"Hoy epal, bakit andito ka na naman? Ginugulo mo na naman ang bestfriend ko, noh?" asik rito ni Sera.
"Hello, Sera baby." matamis na ngiti nito sa kaibigan niya.
"Hello mo mukha mo. Ikaw talaga ang lakas nang pang amoy mo. Kung asan etong Besty ko andun ka rin. Try mo kaya maki socialize sa mga ka block mo. Marami sila dun. Hindi yung sa department ka namin laging nakikita." ingos nito kay Nathan.
Lagi ring imbyerna ang kaibigan niya kay Nathan. Mukhang aso at pusa rin ang dalawa.
"Ang daming maganda rito eh."
"Hoy isusumbong kita, mas marami ang magaganda roon sa department niyo, bulag ka lang talaga. At nalaman ko pala Nathaniel na marami palang may crush sayo sa engineering department. Sikat ka pala doon, kaya bakit lagi kang nakasiksik sa amin?" piningot nito ang lalaki.
Natatawa siya dalawa. Ang cute ng mga ito. Nakaka relax at kalmado lang ang pakiramdam niya pag magkasama ang dalawa.
"Aray naman Seraphina!!! Ang sakit mo mamingot. Dati ka bang amasona? Kalahi mo eh."angal nito sa kaibigan.
"Oo kalahi talaga ko nang amasona. At ang tribu namin ay may ritwal para sa cannibalism. Gusto mo sapampolan?"pananakot nito sa lalaki.
Nanlaki ang mata at namutla si Nathan sa kalokohan nang babae. Hahaha. Baliw talaga itong si Sera.
"Uhm, Mari. Aalis na ko. Baliw na tong bestfriend mo. Try mong iwasan kung minsan at baka mahawa ka pa." nagmamadaling pagpa alam nito sa kanya.
"Sige, alis na. Ingat sila sayo." ani niya.
"Duwag, ampu##. Parang abnormal talaga ang lalaking yun. Ang sarap pitikin at tirisin." nakasimangot na sabi nito.
"Hahaha, hang cute niyo Best pag magkasama kayo." natatawang sabi niya.
"Cute ka diyan. Nakakaimbyerna yun eh. Ang kulit."
"Sinabihan ko na nga si Nathan, na pwede naman kaming maging magkaibigan lang. Pero yun lang talaga ang maibibigay ko sa kanya. At okay daw. Isama ko na daw siya sa bestfriend ko."
"Maghunosdili ka Best. Huwag kang magpapadala sa pangguguyo nun. Ayokong mapasama yun sating dalawa. Maawa ka sakin. Huhuhu." todo iling na reklamo nito.
"Hahaha. Okay lang yan Best, gusto ko si Nathan na maging friend natin. Mukhang mabait naman siya. At gentleman naman."
"Haist, sigurado ka ba?"
"Hmmmm, Yup."
"Sige na nga. Kahit epal yung isang yun, mabait naman talaga at hindi bastos. Buti nga at may pagtitripan tayo." natatawang sabi nito.
"Baliw, wala akong balak na pagtripan yun. Kapag siguro wala akong magawa sa buhay ko pwede kong pag initan yun. Joke lang."
"Let's go na Best. Five O'Clock na rin naman. Pwede na tayong umuwi. Gusto ko nang mahiga at matulog." ani ni Sera.
"Ako nga rin. Antok na antok na rin ako. Hinahanap na nang katawan ko ang higaan ko." ani niya.
Nagpaalam na kami sa mga kaklase namin. Mukhang balak pa nang mga itong tapusin ang event. Naglakad na kaming palabas ng Gym. Marami pa kaming nakakasalubong na mga estudyante na aligaga sa okasyon ngayon.
"Best, ano ang uulamin natin para sa hapunan?" tanong sa kanya ni Sera.
"Ano ba ang gusto mo?"
"Parang masarap na magluto ngayon ng paksiw na isda."
"Sige, pwede naman at madali lang naman yan na lutuin. Punta muna tayo sa palengke at bumili muna tayo ng sangkap at isda na rin."
"Sige Best."
Paglabas nila ng campus ay sumakay na sila nang tricycle at nagpahatid sa palengke. Marami rami rin naman ang namimili. Agad nilang binili ang mga kailangan. Dahil sa dalawa naman sila ay hinati nila ang pagbili nang mga kailangan. Siya sa isda at si Sera naman sa mga iba pang ihahalo na sangkap. Pagkatapos ay nagkita na lang sila sa b****a.
"Okay na ba Best ang mga pinamili mo? tanong nito sa kanya.
"Oo, bumili ako ng isda at manok. Bukas fried chicken na lang ang agahan natin."
"Sige. Ako naman binili ko na ang mga isasahog diyan at bumili na rin ako ng gulay na pwede natin pang ulam kasama niyang fried chicken."
"Okay Best. Para hindi na tayo mamomroblema sa ulam bukas. Halika na at umuwi na tayo. Masakit na ang paa ko."
"Let's go."
Sumakay ulit sila ng tricycle at nagpahatid na sa boarding house. Agad silang umakyat sa kwarto at nagbihis.