Nang makabalik na siya sa classroom nila ay handa na ang mga kaklase niya na sabay sabay na pumunta sa Gymnasium. Hinanap naman niya ang kaibigan, kung nakabalik na ba ito galing sa Dean's office. Nakita naman niya ito agad, mukhang sinusubukang kontakin siya. Hindi na niya tiningnan pa ang cellphone niya at lumapit na lang rito.
"Hey Best, punta na rin ba tayo sa Gymnasium?" agad na tanong niya rito.
"Naku Best, akala ko kung saan ka na pumunta. Tinatawagan kita hindi ka man sumasagot."pinanlakihan siya nito ng cute nitong mata. Tsinita pa naman.
"Hindi ko na sinagot kasi papunta naman na ko rito. So yun." natatawang palusot niya rito.
"Tara na nga, gusto ko na sa malapit sa podium tayo makapwesto."
"Sa dami ng tao roon ewan ko na lang kung makalapit o makapwesto tayo sa sa lugar na gusto mong pwestuhan."
"Kaya Best alis na agad tayo. Halika na." mabilis na aya nito.
"Fine, sige na pupunta na. At baka umiyak ka pa diyan."biro niya rito.
"Kainis ka naman Best, puro ka biro."
Iniwan na rin namin lahat ang mga gamit sa room, cellphone at wallet lang talaga ang dala dala niya. Lahat na nang estudyante ay abala na. Pila na ang mga tao sa hallway na iisa lang ang direksyon na tinatahak. Nakisabay na rin lang silang dalawang magkaibigan sa agos ng mga tao.
Nang makarating sa destinasyon ay agad na humanap nang pwesto ang lahat. Sila rin ni Sera ay nakahanap naman agad. Medyo malayo layo sa gustong pwesto nang kaibigan pero ayos na rin at least kitang kita ang stage. Umupo na sila sa bleacher at matiyagang naghintay. Kinalikot na lang niya ang cellphone at naglaro sa online games para hindi mainip. Habang ang katabi naman niya ay busy rin sa kausap sa cellphone nito.
Napatingin siya sa entrance ng gym nang makita na may mga nakatayong Men in Black. Parang nagbabantay nang kung sinong napaka importanteng tao. Nagkibit balikat na lang siya, dahil sigurado naman siya na ang panauhing pandangal nila ang binabantayan o babantayan ng mga ito. Binaling niya ulit ang atensyon sa ginagawang paglalaro sa telepono niya. Gigil na gigil siya sa nilalaro dahil mukhang matatalo na siya at siguradong baba ang ranking niya. Oh no!! Hindi pwede, matatalo siya ng mga kapatid pag mangyari yun. Bully pa naman at mahilig siyang pagtripan ng mga to. Hininto na lang niya ang paglalaro. Mamaya na lang niya lalaruin ulit ang Mobile Legend kapag nasa bahay na at hindi siya distracted.
Binalik na niya sa bulsa ng skirt ang cellphone niya at iginala na lang niya ang paningin sa paligid. Hindi magka mayaw ang mga ka schoolmates niya sa pagkukuwentuhan, paghaharutan at pagbibiruan. Ilang minuto pa ang dumaan bago nila nakita na umakyat na sa stage ang mga opisyales ng school nila. Mukhang ang may ari ng eskwelahan ay narito rin ngayon.
"Good afternoon, ladies and gentlemen. Sa mga magaganda at nag gwagwapuhang estudyante nang ating Universidad. I’m Mr. Howard, and it’s a pleasure to be here with you today.
It is a great honor for us to warmly welcome our school owner, Mr. Zeus Dimitriv Montague, in our school today. Please my dear students, give him a round of applause. Mr. President, your presence means so much to our students, teachers, and staff, because you are the reason this institution continues to grow and inspire many lives.
We are truly grateful for your vision, leadership, and support, which guide our school toward excellence. Your dedication reminds us that this school is not just a place of learning, but a community where dreams are nurtured and futures are built.
On behalf of the entire school community, thank you for being with us today. Once again, welcome, and we hope you enjoy this special program prepared for you. Ladies and gentlemen please, around of applause again for our dear president.
Masaya kaming pumalakpak. First time ko makita sa personal ang may ari ng school namin, usually kasi ang principal lang ang lagi naming nakikita. Tumayo ang lalaking nakaupo sa gitna ng stage. Matipuno ang katawan, kahit na may edad na makikita mo pa rin ang gandang lalaki nito. Matangkad, mukha namang mabait.
"Thank you so much, Sir Howard. Hi guys, huwag tayong masyadong pormal. I'm Zeus, president of University of the Koch. Together with my family, we are very thankful to all of you, pinili niyo ang paaralang ito para matuto, mangarap, magpursige at maging isang huwarang estudyante. Ang paaralang ito, ang unang naitayong negosyo nang aking mabuting maybahay. Alam ko na misteryosa pa ang aking asawa sa inyo, Amalie Koch Montague po ang pangalan niya, hindi ko rin siya maihaharap sa inyo ngayon dahil abala ito sa paglilibot sa aming mga negosyo. Pero pinapaabot niya sa inyo ang kanyang pagmamahal at pagpapasalamat.
Andito ako sa harap ninyo para ipapakilala ko ang aming nag iisang anak na lalaki. Dito na siya mag-aaral para sa huling taon niya sa kolehiyo. Hindi ko na patatagalin pa ang paghihintay niyo, ipinakikilala ko ang aking Unico hijo, Atticus Zevander K. Montague. Anak, come over here. Samahan mo si Daddy sa stage."
Pumalakpak ang lahat ng mga tao. Siya naman ay poker face lang. Ilang segundo lang ay tumaas na ang isang lalaki sa may stage. Natahimik ang lahat at halos napanganga na. Nang tiningnan niya ito ay naramdaman niya ang pagtayuan ng mga balahibo niya sa batok. Napakunot noo siya dahil naramdaman niya rin ito kanina sa may pwesto ni Manong James. Okay, walang tulak kabigin sa personalidad nito. Mas gwapo pa ito sa mga artista dito sa Pilipinas. Pwede mo nang ihanay sa mga Hollywood actors sa US. Matangkad, ang tangos ng ilong, abo ang kulay ng mata, ang ganda ng katawan, mukhang suplado, at mukhang matalino. Fine, siya na ang perfect. Halos maglaway ang lahat sa nakikita nilang Adonis sa harap nila. Lalo na ang mga babaeng estudyante. Ayaw na niyang dumagdag sa mga fans nito. Kahit may kaba at kumakabog ang dibdib niya, ay iniwas na lang niya ang tingin sa may stage at pinag walang bahala na ang lalaki.
Tinuon na lang niya ang atensyon sa cellphone niya. Nababaliw na naman ang kapatid niyang bunso. Kung ano anong kabaliwan na naman ang pinagsasabi sakin. Naramdaman niyang siniko siya ni Seraphina. Kaya naman kinunotan niya ito ng noo. Nang tingnan niya ito ay inginuso nito sa kanya ang harap na parte kaya naman ng sundan niya ito ng tingin ay nakita niya na ang anak ng president ng school nila ay nakakunot ang noo na nakatingin sa kanya. Sa kanya nakatuon ang paningin nito at parang galit. Ano ang problema niya? Hindi ko naman siya naaano.
Ngumuso lang siya at iniwas ang tingin rito. Hindi ko naman siya kilala kaya bakit ganun ganun na lang to sa kanya makatingin.
Bumaling siya sa kaibigan. "May nangyari ba? Bakit ganun yun makatingin sakin? May nagawa ba ko?" nagtatakang tanong niya.
"Ewan ko rin Best. Basta nung tumingin siya sa paligid tumigil siya sa banda natin tapos yun na yung tingin niya sayo na parang galit. Magkakilala ba kayo?" ani nito.
"Ha? Paano ko makikilala yun. Ngayon ko lang nakita yun Best."
"Ah, baka napag kamalan ka lang."
"Siguro."
Mukhang bongga ang presidente nila. May pa snack ito sa lahat ng estudyante, mga guro, staff at school head na nandito. Special Burger at Coke in a can. Umupo na siya sa bleacher at kumain habang kinakalikot ang cellphone. May mga special performances sa stage. Mga miyembro ito ng dance troupe ng University at chorale. Ang daming mga live performances pala ang naka line up ngayon para sa pang welcome ng mga importanteng tao sa school nila.
Nang tingnan ang mga bisita nila ay nakita niyang nakikipag kwentuhan ang mga ito sa mga dean's at opisyal ng eskwelahan nila. Napasulyap siya kay Zevander na hindi niya alam kung saan nakatingin dahil naka shades ito. Nagkibit balikat na lang siya at binalik ang tingin sa ginagawa sa cellphone niya.