Pagdating sa eskwelahan ay mukhang may pinagkaka abalahan ang mga ka schoolmate niyang babae. Tarantang taranta ang mga ito na nag aayos ng sarili. Parang may competition sa pagandahan, at clueless silang dalawa ni Sera. Anong meron?
Nadaanan nila sa hallway si Loisa at Granary na abala rin sa pag aayos ng buhok. Huminto sila at naki usyuso na rin.
"Hi Guys, anong meron?" curious na tanong niya.
"Saan ba kayong galing na dalawa?" ani Granary sa kanila.
"Umuwi sa boarding house para mag lunch." sagot niya rito.
"May announcement kanina mula sa Public Address galing daw sa Student Affairs Office sa pagdating raw ng VIP sa school natin ngayong hapon, maghanda raw tayo at magpakitang gilas dahil sobrang importante raw ang darating." excited na sabi nito.
"Ah, okay. Akala ko naman kung ano na. Sige ituloy niyo na yang ginawa niyo at papasok na kami sa classroom namin." agad niyang hinila si Sera.
.
Pagpasok nila sa silid aralan ay nakita rin niyang abala rin ang mga kaklase sa pag aayos. Mukhang sobrang importante ng bisita ng school nila at lahat ng tao rito ay talagang naghahanda para salubongin ito mamaya. Siya naman ay curios rin, pero wala siyang planong mag ayos nang sarili dahil sa rami ng estudyante sa University nila ay malabong matapunan siya nito nang pansin. Chill lang siya. At tutal nakapag ayos rin naman sila ng bestfriend niya sa bahay. Pumasok na sila at naupo na sa gitnang bahagi ng classroom kung saan sila laging nakaupo ni Sera.
Nagbukas lang siya ng libro niya at inaral na ang alam niyang susunod na topic nila. Para naman handa na siya kung halimbawang mag oral recitation sila o surprise quiz. Ala-una na pero wala pa rin ang guro nila. Kaya naman nakipag kwentuhan muna si Sera sa mga kaklase na mga mukhang excited sa panauhing pandangal nila mamaya. Habang siya naman ay tapos na rin namang aralin ang lesson nila kaya naman pumikit na muna siya at nakinig nang tugtog mula playlist sa cellphone niya. Nagkaroon ng komosyon sa room nila kaya naman agad siyang nagmulat ng mata at umayos nang pagkakaupo.
Pumasok na kasi sa room ang Propesor nila sa Strategic Cost Management.
"Class, due to a certain circumstances we are all going to Gymnasium. Ngayong 3 pm lahat po tayo dapat na pumunta roon. Kaya naman we will resume our discussion tomorrow. Okay? Be ready and prepare yourself. Be presentable. Class dismiss." pagpapaalam nito sa kanila.
"Best, parang sobrang importante naman ata nang bisita mamaya. Ang presidente ba ng Pilipinas yan o nang America?" tanong niya kay Sera.
"Hindi ko rin alam Best. Mamaya pumunta tayo para malaman natin kung sino ba yun. Sayang naman kung mahuli tayo sa balita." ngumisi pa talaga ito at tinaas taas pa ang kilay.
"Okay fine, pupunta tayo. May one hour pa bago ang 3. Labas muna tayo Best, gusto kong kumain ng fishball at kikiam kay Manong James sa labas ng school." pag aya niya rito.
"Sera, pinapatawag ka ni Dean, may itatanong lang daw sayo. Sa office niya, naghihintay sayo."ani nang estudyante sa kabilang section sa kaibigan.
"Best, hindi muna kita masasamahan ngayon. Pinapatawag raw ako sa Dean's office. Tungkol ata yun sa event natin next week." ani nito.
"Sige lang Best, ayos lang. Ako na lang ang lalabas para kumain. Tapos babalik lang naman ako agad rito para sabay tayong pumunta ng gymnasium."
"Sige Best."
Iniwan na lang niya ang bag sa upuan niya. Wallet lang ang dala niya at ang cellphone niya. Maraming estudyante sa hallway. Dirediretso lang siya at agad namang nakalabas ng campus. Nagpalinga linga siya. Nakita naman niya agad si Manong James sa kaliwang bahagi ng paaralan nila. Kung saan may lilim dahil sa malaking puno nang mangga. Palipat lipat lang ito nang pwesto kung saan siguro mas maaayos ang lugar at hindi masyadong tutok ang init. Masisira talaga kasi ang tinda nito kapag babad sa sikat ng araw at pati na ang mga kumakain ay pwedeng sumakit ang tiyan dahil sa contamination sa pagkain.
Lumapit siya rito at nakangiting bumati.
"Manong James, kumusta po?"masayang bati niya rito.
"Ay ikaw pala iha, okay lang naman ako. Tuloy pa rin ang hanapbuhay para sa kinabukasan ng mga anak ko."
"Pabili po ako, fishballs at kikiam. Ilagay mo po sa paper cups po. Kakainin ko rin po rito. Alas-tres pa naman ang event sa loob kaya may one hour pa po akong kakain rito. At syempre makikipag chismisan na rin po." kengkoy na biro niya rito.
Umupo na muna siya sa upuan na malapit lang sa cart nito. Habang hinihintay na maluto ang order kong fishball and kikiam. Masarap din naman talaga kasi ang sauce na gawa ni Manong James. Walang tatalo. Naghahalo ang anghang at manamis namis na lasa ng sauce. Kaya naman lahat ng estudyante ay paboritong puntahan si Manong, lalo na kapag uwian na.
"Manong, kumusta naman po ang mga anak mo?"
"Ayon iha, ayos naman sila. Mga malulusog at masisipag mag aral. Sana lang makapagtapos sila at magkaroon ng magandang trabaho."
Tatlo ang anak ni Manong James. Isang college na rin, at dalawang high school.
"Makakapagtapos po yan si Mika, Manong. Masipag naman po mag-aral at next year tapos na po siya niyan. May makakatulong na po sayo sa paghahanap buhay. At si Mico at Nica ay siguradong makatapos rin naman yan. Kaya po tiwala lang." ani niya.
Kilala na niya ang mga anak nito dahil kapag walang pasok sa eskwela ay sinasamahan ng mga ito ang ama sa pagtitinda. At laging nakaka kwentuhan niya ang mga bata. Ang babait at ang gagalang ng mga anak ni Manong James. Close din siya sa mga ito.
"Sana nga iha, ako naman ang pangarap ko lang sa mga bata ay maging maayos sila at makapag tapos sa pag aaral. Wala namang magulang ang gustong hindi mapaayos ang mga anak."
"Fighting lang po tayo, Manong."
Habang hinihintay ang pagkain ko na niluluto pa ay napatingin ako sa mga sasakyang sabay sabay na dumarating. Sino kaya yung mga yun. Parang importanteng tao at maraming security ang nagbabantay.
Bumaling siya kay Manong nang sabihin nitong handa na ang kakainin niya. Natuon na ang buong atensyon niya sa kakainin. Sarap na sarap siya sa kinakain nang biglang nagtaasan ang mga balahibo niya sa batok. Ano kayang pakiramdam yun? May multo ba sa paligid? Hala. I'm scared, ang aga aga ng multo, mama ko!!!! Bukas na ba ang Third Eye ko?
Natawa na lang ako sa kagagahan ko.
"Manong, can I have some kikiam and fishballs?"
Napatingin siya sa lalaking biglang lumitaw sa gilid niya. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil sa suot nitong hood na halos matakpan na ang buong mukha. Englishero si Koya at ang husky ng boses. Ang bango rin nito at mukhang mamahalin ang pabango. Ang tangkad at ang ganda ng katawan. Nang magsalita nga ito ay nakaramdam siya ng kabog ng dibdib at kaba. Kaya naman natigil siya sa pagkain at napatunganga na lang rito.
Agad namang nagluto si Manong para rito. Itinuloy na lang niya ang pagkain at hindi na pinansin pa ang katabi. Hindi naman niya ito kilala at mukhang may pinag tataguan rin ito dahil sa porma niya. Balot na balot ito at kahit ang mukha hindi mo basta basta makikilala.
Nang makatapos na sa kinakain ay agad naman niyang binigay kay Manong James ang bayad niya.
"Manong, bale nasa 150 ang nakain ko. 300 po yan. Keep the change na po, ibigay mo na lang po kay Mico at Nica ang sobra ko para sa pambaon nila bukas. Salamat po. Mauna na rin ako at hinihintay na ata ako ni Sera. May importante pa po kaming event sa loob."
"Sige iha, maraming salamat rito sa binigay mo. Hulog ka talaga ng langit sa akin. Napaka bait mong bata. Siguradong matutuwa ang dalawang yun."
"Walang anuman po. Handa naman po akong tumulong sayo sa kahit maliit na paraan lang muna at wala pa akong stable na trahaho. Pag meron na po sure po ako na tutulungan ko po kayo. Alis na po ako. Bye." pagpapa alam niya rito. Kinawayan niya rin ito bago umalis.
Pumasok na siya ulit sa campus at dali daling bumalik sa building nila.