MARI POV: Kinaumagahan, maaga pa lang ay bumalik nang bahay ang kaibigang si Ysabel. "Best, magbakasyon muna tayo sa Coron, Palawan. Isama natin ang mga bata, si Vanna lahat tayo pumunta roon. Makapag relax man lang ba. Kahit mga tatlong araw lang tayo doon. Tapos two days sa biyahe natin papunta roon at pabalik." Napaisip siya sa suggestion nito. Uhm. Pwede rin naman, at least makapag relax kami, mapasyal ang mga bata sa ibang lugar. Yung gastos naman meron naman siyang mapagkukunan nun. Saka maghahati hati naman kami. "Sige, kelan ba tayo aalis?" tanong ko rito. "Bukas, ibobook ko na ngayon yung tutuloyan nating Hotel. Yeee, excited na ko, Best. Magsusuot ako ng two piece dun, ipapakita ko na ang alindog ng isang Ysabel Martirez. Maglalaway sila lahat sa ganda at sa ka sexyhan ko."

