MARI POV: Pagkatapos nilang kumain ay ginising na niya ang kambal para kumain, pinatawag niya kay Vanna si Zebby at ang kalong na si Vander ay ginising na rin niya para kumain na. Sabay nang inasikaso niya ang kambal, sina Vanna at Sera naman ay bumalik na sa mga kwarto nila para mag ayos na nang sarili. Nakatapos naman agad ang dalawang bata na kumain. Inayos na muna niya ang kusina, naghugas ng Plato at naglinis habang ang dalawa ay nasa sala at nanonood muna ng tv. Inaya na niya ang dalawa na maliligo na kaming sabay dahil magagahol na sa oras. Ilang sandali na lang ay nandito na yun si Ysabel, ihahatid sila ng driver nito sa airport. Alas otso ng dumating sa bahay nila si Ysabel, nakapag ayos naman na silang lahat at handa na ang mga dadalhin. Hinatid na sila ng driver nito sa airpo

