MARI POV: Masaya man ang naging bakasyon nila sa Coron Palawan, kailangan na nilang bumalik sa realidad. Eto na ang araw na babalik na sila sa Maynila. Tanghali na nang bumiyahe sila papunta ng airport. Alas dos pa naman ang flight namin. Sa may departure area na lang kami tumambay. "Mama, kapag po may oras ulit tayo at may pera, balik po tayo ulit sa lugar nato. Pwede po?" ani ni Zebby. "Opo, nagustuhan mo ba rito?" ani niya rito. Inayos niya ang nagulong buhok nito at hinalikan ito sa pisnge. "Opo, ang ganda rito, presko ang hangin at nakakarelax po talaga." Napangiti siya sa sinabi nito. Marunong na talagang maka appreciate ang anak sa mga magagandang bagay. "Sa sunod naman, ibang lugar naman ang pupuntahan natin. Gaya ng amusement park or enchanted Kingdom. Mag iipon na muna si

