MARI POV: Naayos na nila ang lahat ng pinamili kaya naman pwede na silang magrelax ni Sera. Siguro mas maigi na mamamalengke na lang sila nang pang ulam nila araw araw, wala pa kasi silang ref na paglalagyan ng mga karne o isda. Naisipan nilang bumalik ng palengke ng hapon na, gusto kong kumain ng menudo kaya mamamalengke na muna sila. Saka bibili na rin sila ng gulay na pwedeng tumagal ng ilang araw at mga prutas. Nasa tindahan sila ng mga karne nang mahilo na naman siya at sumama ang pakiramdam niya. Agad siyang inalalayan ni Sera na umupo sa isang upuan. "Ayos ka lang ba, ne? Namumutla ka. Dapat siguro magpa check up ka na." ani nang isang ale na nakakita sa kalagayan niya. "Oo nga, best. Mas mabuting dumaan muna tayo sa hospital at magpatingin ka. Lagi kang nakakaramdam nang ganyan

