MARI POV: Dahil sa pagtatanong niya kay Nanay Bashang kung meron ba itong alam na pwedeng pagkakitaan o pwedeng pwesto na masimulan niya ng negosyo. Nagsabi ito sa kanya na may pwesto raw sa palengke ang kapatid nito na pumanaw na, pwede raw siyang magtinda roon ng mini grocery o kaya naman bigasan. Agad siyang umoo na siya na lang ang uupa roon. Siguro kung magkulang man ang 100k para sa puhunan ay pwede naman siyang humiram sa pera na nasa passbook na bigay ng Papa niya. Dahil hindi pa naman agad na makaka apply si Sera dahil hindi pa naipapadala sa kanila ng tiyahin nito ang TOR at iba pang importanteng papeles, ay aalalayan na muna siya ng kaibigan. Tiningnan nila agad ang pwesto sa palengke na tinutukoy ni Nanay Bashang. Medyo may kalakihan naman ito at pwede nga talaga ang mini gro

