MARI POV: Nagdesisyon silang puntahan si Zevander sa tinutuluyan nitong apartment na malapit sa eskwelahan nila. Bagong lipat lang ito noong nakaraan, mas convenient raw kasi na nasa malapit lang ito nang eskwelahan. Baka andoon ang binata. Sana lang talaga harapin siya nito. Huling subok na niya ito. Nang makarating siya sa harap nang bahay na tinutuluyan ng binata ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. Kaba na parang mas may malala pang problema siyang haharapin. Nang kakatok na sana siya ay biglang bumukas ang pinto. Pumasok na siya ng dahan dahan tutal bukas naman. Naiwan si Sera sa harap ng bahay, sa may tindahan. Nang makapasok na nang tuluyan ay nakita niya ang mga damit na nagkalat sa sala. Mga damit yun ng babae at damit na suot kanina ni Zev. Bilang kumabog ang dibdib niya. Agad si

