MARI POV: Mukhang umiyak man siya ng dugo ay wala nang pakialam pa sa kanya ang binata. "Please, I'm begging you, ayusin natin to. Mag usap tayo nang maayos. Huwag ganito na basta basta mo na lang akong babalewalain at iiwan. Mahal kita ng sobra sobra pa sa inaakala mo." pagmamakaawa niya rito. Halos hirap na rin siya sa paghinga sa kakaiyak. "Wala na kong balak pa na maniwala sa mga kasinungalingan na naman na sasabihin mo. I have had enough of your lies. From now on, you stay away from me. Don't try to come near me." galit na galit na bulyaw nito sa kanya. Dahil sa tinangka niyang lumapit rito ay mahigpit siya nitong hinawakan sa braso para pigilan at basta na lang binitawan kaya naman napasalampak siya sa sahig. Nasaktan man ay hindi na niya alintana pa yun. Mukhang sarado na ang u

