MARI POV: "Best, ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? May nangyari bang masama sayo?" napaupo bigla si Sera at may pag aalalang nagtanong sa kanya. "Best, huwag mo kong husgahan sa nagawa ko. Hindi ko talaga alam na may mangyayaring ganun sakin." humangolngol ako sa harap nito. "Ano ba kasi ang nangyari?" naiiyak rin na sabi nito. "Pagkatapos ng farewell party ay sumama ako kay Mae sa bahay nila para sa birthday party niya. Aminado ako na uminom ako ng champagne sa party ng batchmates natin, pagdating sa party niya uminom rin ako ng konting champagne, may lumapit saking lalaki, si Jason, hindi ko siya mataboy dahil mabait naman siya at mukhang nakikipag kaibigan lang naman. Nagkwentuhan kaming dalawa pero sigurado ako na walang malisya, hindi siya bastos na tao. Aalis na ko dahil nag aal

