MARI POV: Umaga pa lang ay nag message na sa kanya ang friend nila ni Sera na si Mae. Hindi naman talaga nila ito close friend pero parang lagi nilang nakakasabay sa pagkain sa canteen o kaya naman ka grupo sa projects or performance task sa school. Inanyayahan sila nito na umattend sa birthday party nito mamaya, pagkatapos ng okasyon nila na para naman sa mga graduate students. Pumayag naman sila ni Sera. Mukhang masama ang pakiramdam nang kaibigan niya. Nakahiga lang ito sa maghapon at nang icheck niya ang body temperature nito ay may lagnat ang dalaga. "Best, may lagnat ka. Sigurado ka bang kaya mong mag attend ng party mamaya?" "Parang hindi nga, Best. Ang sama ng pakiramdam ko. Pero paano ka? Wala lang kasama. Baka kung mapano ka." "Ayos lang ako kaya ko ang sarili ko. Pero walan

