Chapter 31 "Apo ko!" hindi mapigilang hiyaw ni Don sergio matapos makita ang apong si Aina. Ngayon lamang kasi siya nakapunta dahil sa traffic papunta ng tanauan. He had been missing his grandchild that much kaya sobrang excited na ito. Tulala naman si Aina sa pagkakakita sa matanda. Hindi pa naman niya ito kilala at basta na lamang itong niyakap siya. "Aina, siya si Don Sergio. Ang lolo mo. Nagkita kami sa maynila, at nalaman ko na apo ka niya at matagal ka ng hinahanap." paliwang ni Arthur sa naguguluhang si Aina. "Hindi mo ba ako matandaan iha? Ako ang lolo Gio mo, remember? Ang bukang bibig ng Mama mo nung nabubuhay pa siya." Nagliwanag ang mga mata ni Aina. Tila naalala na nga niya ito. "Pero di'ba po patay na kayo? Ang sabi kasi ni Mama..." hindi na niya naituloy pa ang sasabih

