Chapter 32 "What? Paanong wala na sila? Sino ang kumuha sa kanya?" galit na bulalas ni Bernard sa nurse station. Kakarating niya lang ng ospital at wala siyang ideya sa mga naganap dito buhat ng umalis siya upang sundan si Loisa. "Ah, sir, kasi po, may nagbayad na ng hospital bills ni Miss Ramirez. Ayon dito sa record namin ay si Mr. Sergio daw po." turan ng nurse sa kanya. "Bakit hindi niyo man lang ako sinabihan? Aina is still under my custody. ako pa nga ang naka-rehistrong tao nung na-admit siya dito, di'ba?" Bernard raked his hair in so much frustration. Nagkasalubong ang mga kilay niya na parang leon na gustong manlapa ng tao. "Pero ang sabi ay si Mr. Dela Vega daw po ang ama ng bata. At siya ang asawa. Pasensya na po sir, pero sumunod lang kami sa patakaran." anang nurse sa kan

