Chapter Twelve: He’s a she?

1481 Words
AMBER "Saan ang bahay mo?" Tanong sa akin ni Logan. "Pakiliko na lang d’yan sa kanto, tapos ‘yung bahay sa pinakadulo." Hindi ko ba alam kung matatakot na ko kay Logan o ano. Kanina lang para siyang hirap na hirap dahil sa frustrations ngayon naman parang pag kinausap mo siya sasakmalin ka na lang. Pero 'di ba kanina lang... Kulang na lang umamin na siya. "Logan." "Amber," huminga siya ng malalim, "Nandito na tayo." Hinarap ko siya. "Bumaba ka na." "Ano ba’ng problema mo?! Hindi din naman tayo nakapag-usap ah? Sabi mo gusto mo kong makausap! Tara mag usap tayo ngayon." Tinignan niya ko, saglit na saglit lang sabay iwas. "Nag selos ka ba nung hinalikan ako ni Mark?" Bigla siyang nag stiff. "H-hindi. Bakit naman ako mag seselos?" Huminga siya ng malalim saka humarap sa akin, "Look Amber, si Mark talaga ang secret admirer mo. I have no intention to play prank on you. That day sa E.K nag karoon lang ng problema kaya na late si Mark sa usapan at ako ang nakita mo." Parang hindi ko naririnig ‘yung sinasabi niya. More on wala akong pakialam. "Sabi ko naman kanina nakaget over na ko sa secret admirer na 'yan." Bubuksan ko na sana ‘yung pinto pero nilock na naman niya sa side niya. "Ano mayroon pa ba?" Actually I'm expecting more! Gusto ko siyang umamin! Nakakainis 'to. "I'm not supposed to feel this way, Amber," yumuko siya sa manibela, "Dati ang iniisip ko lang puro mga guwapong lalaking nakikita at nakikilala ko. Ngayon puro ikaw na lang. I'm a gay for pete sake! Bakla ako pero why are you making me feel this way?" Ano daw? He is ano? "Si Logan ka ba?" Humarap siya sa akin pero nakalean pa din sa manibela. "Logan bakla ka?" "Oo bakla ako, beki, gay or kung ano pa tawag niyo samin. I'm a she okay? And ikaw babae ka din. Hindi ako puwede mag ka gusto sa iyo!" "So, you mean... Gusto mo na ko? May gusto ka sa akin?" Nanlaki ang chinito niyang mga mata. "Sheet! Logan may gusto ka ba sa akin?" Narinig kong nag open na ‘yung lock. "Wala! Hindi tayo talo. Babae nga ako 'di ba? Lumabas ka na tsupi!" Nginitian ko siya. "Ano ba?! Lumabas ka na!" "I love you, Logan!" Sabay kiss sa lips niya. "Sana ma in love ka na sa akin." Bumaba na ko. Pag babang pag baba ko humarurot na kagad siya ng alis. He's a she? E, ano? Wala namang pinipiling gender ang love. Puwede naman ako mag pakatomboy ulit para sa kanya. Psh. ♀♂♀♂ Pag pasok ko sa café may mga tao na nag baba ng music instruments. Nakita ko si Kuya sa may gilid ng truck. Sinenyasan niya ako na lumapit. Bigla akong kinilig nung nakita kong binababa na ‘yung drum set. Papayagan kaya ako tumugtog ni Kuya? "Yo!" Pinitik niya ‘yung tenga ko. "Ang sakit ah?" Sinundan ko ng tingin ‘yung drum set. "Kuya Ysh~ Puwede ako pumalo? Kahit isang beses lang. Please?" Nag puppy eyes pa ko. "No. I-assist mo sila, alam mo kung paano mag set up nyan." Nginitian ko siya. "Bakit?" "Syempre kuya kailangan ko itono 'yun. Papalo ako?" Nginitian niya ako. Yes! "Hindi pa din. Hintayin mo si Justin, alam niya na ang gagawin." Iniwan na niya ako. Kainis naman! Pag katapos namin i-set up umupo ako malapit sa drum set. Huhu. Gusto ko talaga pumalo. Ang huling tugtog ko pa nung laban. Kinuha ko ‘yung drum stick. Hindi ko na talaga kaya. Kailangan kong gawin 'to. Lumipat ako sa chair sa drum set. Papalo na sana ako nang makita ko si Justin. Nakangiti sa akin. Tumayo na ako at inabot sa kanya ‘yung drum stick. "Oh bakit?" Tanong niya. "Marunong ka ba?" "Oo, kaya lang bawal, e," malungkot na sabi ko. Nginitian niya ako. Bakit lalo siyang gumwapo? Haha. Pero mas guwapo pa rin si Logan... "Logan!" Napatakbo ako sa kinatatayuan ni Logan. "Ano’ng ginagawa mo dito?" "Lumayo ka nga ng konti," parang nandidiring sabi niya. Psh. Bigla naman siyang umaastang beki. Hindi naman siya gan’yan dati. Binuksan niya ‘yung glass door ng entrance. "Pumasok na kayo!" Biglang pumasok si James, John at Mark. "A-ano’ng ginagawa niyo dito?" Nagtatakang tanong ko. "Bossing! Sexy natin ah?" Napatakip ako sa hita ko. "Babae ka na talaga, bossing?" Pang aasar ni James. "Tado! Sapak gusto mo?" Niyakap ko siya at si John. "Namiss ko kayo mga mokong!" Biglang hinatak ni Mark at Logan ‘yung dalawa. "Logan nag seselos ka na ba?" Inirapan niya ako. "Psh." "So, kayo siguro ‘yung mga mag papart time." Napatingin ako kay Justin. "I'm Justin, I'll be your drummer since sabi niyo wala kayong drummer." "'Wag na. Nandito naman si Bossing Amber, e," sabi ni John. "E, hindi kasi ako puwede mag drums. Papagalitan ako ni Kuya," sabi ko. "Hindi ako tutugtog pag hindi ikaw ang madadrums," sabi niya pa. Tumango tango rin si James. "Nako John. Malabo talaga. Sorry." Inakbayan ako ni Justin. "For awhile ako muna and I'll try to talk to Sir Ysh para payagan niya si Ysabelle na tumugtog." Napalingon ako sa kanya. "Promise 'yan?" Tumango tango siya. "Thank you!" Since nakaakbay na siya sa akin madali ko na siyang nayakap. "Thank you talaga." Nagulat ako nung inilayo ako ni James at hinatak naman ni John si Justin. "Problema niyo?" "Wala lang." Pinagpagan ni John ‘yung damit ni Justin. "So, anong oras tayo mag sisimula?" Nag tataka man hindi na sila pinansin ni Justin. "After ng shift ko. Six o'clock." "Sige babalik na lang kami mamaya!" Hinatak na nilang dalawa si Mark at Logan. Ang weird nung dalawa na 'yun. Tss. Hindi na ko makapaghintay ng 6 o'clock. Ang bagal bagal ng oras parang hindi nga gumagalaw. Gusto ko na ulit makita si Logan. Halata namang nag selos siya kanina. Ang beki na 'yon mukhang pahihirapan pa ko. Ayaw na lang umamin kung gusto niya ako o hindi. Hindi niya man lang ba naisip ‘yung mga pinagsasasabi niya kagabi? Kulang na lang talaga sabihin niya na 'Amber I love you'! Nang matapos ‘yung shift ko nag palit kagad ako ng damit. Makikita ko na si Logan! Hihi. Hindi ko alam pero iniisip ko pa lang talaga kinikilig na ko. Mabilis akong lumabas ng locker room. Hihintayin ko na lang siguro siya sa la... "Logan?" Hindi niya ako pinansin at nilagpasan lang. Ang bwisit na 'yun may lalaking nakaangkla sa braso! "Hoy Logan!" Susundan ko sana kaya lang may humatak sa damit ko. "Ano ba?!" "Easy." Inalis ko ‘yung pagkakahawak ni Mark. "Can't you see may date siya?" "Date? Psh. Lalaki talaga ‘yung dinala niyang date huh?" "He's a gay, so I think normal lang 'yun." Tinignan niya ako. "Hindi ka na gulat?" "Sinabi na niya sa akin na bakla siya. Wala akong pake." Tinignan ko ‘yung inupuan nung kasama ni Logan. "Psh. Mas guwapo naman ako d’yan." Tinignan ko nang masama si Logan. Hindi siya nakatingin sa akin kasi inaayos na niya si Lucifer. "Pa hard to get ka pang bakla ka. Kainis." "Amber." Tinignan ko si Mark. "Seryoso ako kahapon. Hindi ako papayag na hindi mo ako bigyan ng chance." Napataas lang ‘yung kilay ko nung iniwanan niya ako. Ano nga ba ‘yung nangyari kahapon? Hindi ko na enjoy ‘yung set nila. Nakakainis. Feel na feel nung bwisit na date ni Logan! Huh! Nakakagigil talaga. Gusto ko nang hatakin palayo sa stage ‘yung kupal na 'yun hindi ko lang magawa. Mag karoon lang ako nang pag kakataon lagot talaga siya sa akin. Nakita kong lumapit kagad ‘yung kupal na lalaki kay Logan at inabutan ng mineral water. Ay ambot talaga! Hmp! Konti pa. Amber hindi ka puwede mag iskandalo dito, lagot ka sa kuya mo. Lumabas ka lang talaga. Nako lagot ka talaga. "Kawawa naman 'yang pobreng baso. Kulang na lang mabasag ah?" Tinignan niya ‘yung tinitignan ko. "So, si Ethan pala talaga ang pinakakaribal ko." "Tigilan mo ko Justin, wala ako sa mood." Hinarap niya ‘yung mukha ko sa kanya. Grabe parang four inch lang ‘yung distance nung mga mukha namin. "Ano ba?" "Wala lang." Na gulat na lang ako nung nabitawan ni Justin ‘yung mukha ko. Hinatak ni Logan ‘yung inuupuan niya. Nag smirk si Justin. "What was that?" Tanong niya kay Logan. Hindi siya sumagot at bigla na lang kinuha si Lucifer at umalis na. "Ethan wait for me!" Malanding sabi nung kupal na kasama niya. Beki rin pala ang gago. Hinarang ko ‘yung paa ko sa dadaanan nung beki. "Ouch!" Tinulungan ko siyang tumayo. Kunwari wala akong alam. "Thank you, Miss." Nginitian ko lang siya. "Ingat ka po sa susunod."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD